78.

155 2 0
                                    

Sienna Co
Active Now

TUE 06:08 PM

Sienna Co
Sissyyyy!!!

Simone Co
Uy, sis! Kumusta clerkship?

Sienna Co
Okay lang. Lagi akong puyat. 😅

Sienna Co
May isusumbong ako sa'yo!

Simone Co
Ano 'yon?

Sienna Co
Nagpunta sa bahay si Tita Annie. Sinugod si Mama kasi raw kukunin mong kliyente 'yung nabangga ni Kuya Cris.

Sienna Co
Buti nando'n si Sean tapos dumating ako. Antok na antok ako galing duty, bigla akong nagising no'ng nakita ko.

Simone Co
Okay lang si Mama?

Sienna Co
Okay na okay. Kinaladkad niya si Tita Annie tapos nagpatawag ng guard sa village. Haha. Nakakatawa! 😂

Simone Co
HA!???

Sienna Co
Nagalit si Mama. Kung anu-ano raw sinabi ni Tita Annie tungkol sa'yo at kay Papa.

Sienna Co
Kakasuhan daw ni Tita Annie si Mama. Sabi ni Mama, hindi siya takot kasi nand'yan ka.

Sienna Co
You should've seen it, sis. Mama looks so proud of you.

Sienna Co
As she should be. ❤️

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon