95.

152 3 0
                                    

Legal Assistant

10:10 pm
Prosec, pangalanan mo naman ako sa celpon mo. Nakita ko "legal staff" lang po nakalagay. Para naman akong others pagkatapos ng mga nasaksihan ko ngayong araw.

10:12 pm
Ay, sorry. Tagal na n'yan.

10:13 pm
Lagyan mo na rin ng picture ko.

10:14 am
Ano ilalagay ko?

10:15 pm
Send ko sa email mo ngayon.

10:16 am
Received. Bakit ka sad do'n sa picture?

10:17 pm
Kasi sad ka rin ngayon.

10:18 pm
Bakit ka sad, Prosec? 'Di pa ba tayo uuwi? Gabi na.

10:19 pm
Uwi ka na. Aalis na rin ako.

10:20 pm
'Di ka pa uuwi?

10:21 pm
May pupuntahan lang ako.

10:22 pm
Ingat ka papunta kay Atty. Co, Prosec.

10:23 pm
Bakit mo alam?

10:24 pm
Kanina mo pa pinapanuod 'yong bidyo ng holding hands niyo eh. 'Di ka ba nagsasawa, Prosec? 😅

10:25 pm
Kung nagsasawa ako, I'll be able to move on from her.

10:26 pm
Sabagay, ganyan din ako sa ex ko pero ako naman nakipag-break sa kanya.

10:27 pm
Bakit ka nakipag-break?

10:28 pm
Kasi Prosec, alam mo naman ang buhay ko, 'di ba? Trabaho, aral. Tapos 'yung girlfriend ko, may pera siya. Tinutulungan ako. Bigay nang bigay. No'ng una, syempre naiintindihan ko, gusto niya akong hatian at tulungan sa pinagdadaanan ko.

10:29 pm
Kaso alam mo 'yon? Minsan ang bigat. Iniisip ko kung hanggang kailan ko siya idadamay sa mga pinagdadaanan ko, and she doesn't deserve that. Kaya nakipaghiwalay ako.

10:30 pm
Ngayon, 'yung boyfriend niya, capable. Naibibigay 'yong mga gusto niya. Hindi naman niya hinanap sa akin 'yon noon pero syempre, 'di ba? Gusto mo ring magbigay. Eh ako, ang dami ko pang kailangan ayusin sa sarili ko.

10:31 pm
Hindi mo ba naisip na baka okay lang naman? Na mahal ka kasi niya kaya ka niya dinamayan?

10:32 pm
Naisip ko. Pero minsan kasi Prosec, sa mga taong kagaya ko, gusto mo lang na may isang taong tumingin sa'yo na hindi kasama 'yung mga problema mo. Alam mo 'yon? 'Yung isang tao na kapag kasama mo, hindi lang 'yon ang nakikita sa'yo.

10:33 pm
I have to go.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon