116.

37 1 0
                                    

Sean Co
Active Now

FRI 8:08 AM

Simone Co
Good morning, Sean. How's SG? Nakapahinga ka na?

Sean Co
Hi, Ate! I'm okay, okay ako rito. Napahinga na rin. Tsaka mabait sa akin sina Kuya Gav. Kumain nga kami agad. Libre nila. 😊

Simone Co
Buti naman. Magsabi ka sa akin kung may kailangan ka pa ha?

Simone Co
Baka kulang 'yong pabaon ko sa'yo.

Sean Co
Hindi na, Ate. Sobra-sobra nga 'yong bigay mo.

Sean Co
Tsaka Ate pala, sa sweldo ko next month, sa'yo ko muna ipadala. Sa'yo 'yon ha? Bili ka ng gusto mo! Kain ka nang masarap!

Simone Co
Ano ka ba, Sean. Nabibili ko at nakakain ko naman ang mga gusto ko. Haha. Tsaka 'wag mo ka muna magpadala sa amin nina Mama. Sa'yo muna.

Simone Co
Kapag may sobra ka na, tsaka ka na lang magpadala. Ako na muna.

Sean Co
Okay lang 'yon. 'Di ba sabi raw gano'n? Sa unang sweldo, dapat ibigay mo lahat sa pamilya. Gusto ko, sa'yo muna ang akin.

Sean Co
Wala naman akong gastos dito kasi libre naman 'yong bahay nina Kuya Gav. Tapos sa pagkain naman, may bigay ka naman sa akin na pera. Kaya kasya.

Sean Co
Kapag nakabwelo na ako rito, ako na rin kina Sofie at Steven. Patapos naman na eh. Para si Ate Sienne na lang ang sa'yo. Mahal 'yung med school niya eh. Hati muna tayo.

Simone Co
Sean! Okay lang talaga, ano ka ba! Unahin mo muna ang sarili mo. Mahal mabuhay sa Singapore. Tsaka kaya pa ni Ate. 😊

Sean Co
Basta, Ate. Kaya ko 'yon! Kakayanin. Para mapahinga ka sa gastos kahit papaano. Tsaka 'di pa muna ako mag-a-asawa, kayo muna ang uunahin ko. Kayo muna ang pag-i-ipunan ko. Pamilya muna natin. ☺️

Simone Co
Nako! Basta mag-ingat ka d'yan, 'yon lang ang gusto ko.

Sean Co
I will keep you updated, promise.

Sean Co
Ate, sorry pala ha?

Simone Co
Bakit naman?

Sean Co
Kami na kasi 'yong naging buhay mo eh.

Simone Co
Napapagod lang si Ate minsan, Sean. Pero hindi ako nagrereklamo. 🙂

Simone Co
Gusto ko lang, maging okay tayo. 'Yong buhay ng pamilya natin.

Sean Co
Okay na 'yong buhay natin, Ate. Kaya sana ikaw rin, maging okay ka.

Sean Co
Magsabi ka sa akin kapag pagod ka. Kaya ko na rin naman ngayon.

Sean Co
Nandito rin kami, Ate. Para sa atin. 😊

Simone Co
Thank you, Sean. ❤️

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon