57.

174 6 0
                                    

LaBCo Law
Active Now

MON 8:19 AM

Naomi Lagdameo
Uyyy may schedule na sila for arraignment and pre-trial @Simone 😂

Cara Beltran
Nagdilang anghel kami!

Simone Co
Dilang dimunyu 'yon eh. 🤦🏻‍♀️

Naomi Lagdameo
This Friday na ba?

Cara Beltran
Sama kami ni Naomi!

Simone Co
Bakit? Nasa courts na kayo lagi, wala naman kayong makikitang bago ro'n. Parang 'di mga abogado 'to. 🙄

Naomi Lagdameo
Mayro'n kaya! Ngayon lang kami makakakita ng mag-ex na nag-date sa sala ng judge. 😂

Simone Co
'Di 'yon date. Trabaho.

Cara Beltran
Suuuuus!

Cara Beltran
Good luck sa'yo, ma. Sana bigyan ka ng diyos ng lakas para labanan ang alindog ni Prosec. 😂

Naomi Lagdameo
Ano ngang pangalan ni Ethan sa phone niya?

Cara Beltran
PROSEXY! HAHAHAHA YUMMERZ

Simone Co
Sina Benj naglagay nun!

Naomi Lagdameo
Ba't 'di mo palitan? Haha

Simone Co
Busy ako.

Naomi Lagdameo
Hahahaha ay sus manhid-manhidan

Cara Beltran
'Di na uso 'yan. Pakatotoo tayo dito, ma. 😌

Naomi Lagdameo
Kaya tayo natatawag na sinungaling eh. 😂

Simone Co
Hindi tayo sinungaling. May mga itinatago lang tayong katotohanan for the benefit of our clients.

Cara Beltran
Sino nag-be-benefit na itinatago mo 'yung totoong nararamdaman mo for Ethan?

Simone Co
Siya. Para hindi siya maubos. 🙂

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon