SEVENTY-ONE

583 12 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Hindi ko na napansin kung paano nawala sa kamay ko ang paper bag na hawak ko kanina dahil basta na lang siyang tumalon sa pool habang buhat ko. Naramdaman kong pinulupot niya ang isang kamay sa bewang ko at isinama ako pag-ahon. Sabay pa kaming dalawa na natawa nang tuluyang maka-ahon sa tubig.

"Ano ba 'yan, nabasa tuloy ang cover up ko," natatawang reklamo ko.

"We'll ask for a towel later," tugon ni Kenzie.

Bahagya akong lumayo sa kaniya saka sinabuyan ng tubig sa mukha na hindi niya inaasahan. Tuloy ay nauwi kami sa sabuyan ng tubig sa pool. Para kaming mga bata na naghahabolan at nagsasabuyan ng tubig. Pinagtitinginan kami ng ibang tao pero wala kaming pakialam. Sa isip ko ay kaunting oras na lang at maghihiwalay na naman kami. I mean, babalik ako ng Laguna at siya naman ay babalik na sa Cebu. Gaano kaya katagal bago kami magkita ulit?

Honestly, he always made my date. Simula nang mahalin ko siya, mas lalong napalapit ang loob ko sa kaniya, hindi na kompleto ang araw ko kung hindi ko siya nakikita o nakaka-usap. Kahit na nakaka-usap ko siya sa pamamagitan ng telepono, iba pa rin kung kausap ko siya ng personal, 'yong talagang nasa harap ko siya.

We spent the whole morning swimming. When we're fed up with the fresh water, we moved to the sea and endlessly splashing water at each other. We're like kids who first time went to the beach, endlessly playing and swimming, neverminding the scorching sun.

How I wish we can be like this more often.

MATAPOS naming ayosin ang mga gamit namin, bumaba na rin kami at dumiritso sa lobby upang ibalik ang room key. Bago kami pumunta sa yate na naghihintay sa amin, pumasok muna kami sa Pasalubong center nila para bumili ng pasalubong para kay Zaiah, binilhan ko na rin sina Mommy, Daddy at Kuya Sic, exempted si Kuya Sam sa pasalubong dahil siya naman ang may-ari ng resort. I bet even the products in their pasalubong center was her choices too. DIY ang design ng scarf na binili ko para kay Mommy but the fabric is very unique which I think Mommy will like. Para kay Zaiah naman ay isang cute na dress na may print sa harap na 'I Love Unwind Resort'.

I slightly laughed as I read what the print says.

I love Unwind Resort? Too cliche for a meticulous man like my brother.

However, I love this design. Ngayon ko lang napansin, kung hindi ko ito tinitigan ng mabuti ay hindi ko mapapansin na binurda pala ang mga words.

It's amazing how people stitch this design. It must be tricky and hard. Now I want to meet the person behind this amazing design.

Actually, lahat ng mga designs pala ay DIY. Lahat ng designs ng mga t-shirt, coffee mugs, scarf, cap, bucket at bonnet hat etc. ay kinamay lang nila. Hindi sila gumagamit ng DTG or other methods ng printing. Even the key chains and other souvenirs are handmade. This is incredible. Tuloy ay napabili ako ng marami.

T-shirt ang binili ko para kay Daddy at Kuya Sic. May nakita akong cute na bonnet at bigla kong naalala si Ate Lenna, 'yong doctor na crush ni Kuya Sic. I remembered she used to wear bonnets before. Medyo boyish kasi siya dati pero ngayon para siyang model. I don't know if she still want to wear bonnets but I will still buy her a few.

Para kay Shelly, t-shirt lang din ang binili ko at kay Aling Ester naman ay coffee mug. Kahit nasa ibang bansa si Jay para sa competition niya sa taekwon-do, ibinili ko na rin siya ng bucket hat na kulay itim. Syempre hindi ko makakalimutan ang maingay kong best friend na si Alice. Malalaman niya't malalaman kung saan ako nagpunta nang weekend at maniningil iyon ng pasalubong. Key chains, coffee mug ang binili ko para sa kaniya. Marami akong biniling extra na pasalubong, siguro para sa mga kaklase ko na lang.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon