SEVEN

2.5K 51 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.

Araw nang linggo. Nag punta kami ni Zaiah sa simbahan para mag simba. Isa na rin ito sa nakasanayan kong gawin, ang mag simba tuwing linggo. Simula nang dumating si Zaiah sa akin mas lalo akong napalapit sa Diyos. Nagpapasalamat ako ng malaki sa panginoon dahil sa kabila ng pag talikod sa akin ng lalaking minahal ko, ang pagtatakwil sa akin ng mga magulang ko, may isang anghel naman siyang ibinigay sa akin na naging dahilan ng saya ko.

Matapos naming mag simba, dumiritso naman kami sa isang fast food chain para kumain. Nag request si Zaiah na sa Jollibee kami kumain, favorite niya kasi si Jollibee at minsan na niyang sinabi sa akin na gusto niyang maging katulad ni Jollibee na nakakapag pasaya ng ibang bata. Nakikita niya kasi minsan na may nagpapapicture kay Jollibee, tapos sa mga advertisement rin ng Jollibee, 'yung sa mga party na nagpapasay si Jollibee. Nakakatuwa lang na sa murang edad niya, alam na niyang napapasaya ni Jollibee ang ibang bata kaya gusto niya ring maging tulad ni Jollibee na nakakapag pasaya ng mga bata.

-

"Mimi, I wanna sleep," inaantok na sabi niya pag pasok namin sa bahay. Kanina pa siya sa jeep inaantok. Mukha nga siyang lasing kanina habang kandong ko siya. Mabuti na lang hindi siya nakatulog.

"Okay, baby, but we need to change clothes muna, ha?" sabi ko sa kanya, tumango lang siya.

Dinala ko siya sa kwarto at inupo sa kama. Tinanggal ko muna ang ankle boots na suot niya bago ako kumuha ng pajamas sa closet. Matapos ko siyang bihisan, agad siyang nahiga. Hinahagod ko 'yung likod niya para makatulog siya agad. 'Yun kasi ang nakakapag patulog sa kanya, gustong gusto niyang hinahagod ang kanyang likod. Hindi nagtagal nakatulog rin agad siya. Mukhang inaantok nga talaga siya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa side table nang tumunog ito.

Number lang 'yung nakalagay. Binuksan ko naman ang mensahe.

Be ready, papunta na sila diyan mayamaya. By the way, how's my daughter? Sure ka bang diyan mo na lang siya iiwan sa kapitbahay mo? Mas mapapanatag ako kung nandito sa mansyon ang anak ko.

Tss, walang duda, si Kenzie 'to. Parang unti unti ay nasasanay na akong tinatawag niyang anak ang anak ko sa tuwing hahanapin niya si Zaiah. Isa pa, I appreciated all his efforts for my daughter.

Nag type naman ako ng erereply.

She's sleeping. And yes, kay aling Ester ko na lang siya iiwan muna, hindi naman ako kailangan mag tagal sa party. And who's coming?

Nag hintay ako ng reply niya, pero ilang minuto na ang lumipas wala pa ring reply. Tsk, kung gano'n ay ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang darating?

Napatayo ako ng may maalala. Maghahanap pa pala ako ng maisusuot ko. Dumiritso muna ako sa banyo para mag quick bath. Wala pang 20 minutes tapos na akong maligo, naka bathrobe lang ako.

Ngunit naalala kong hindi ko nga pala alam kung anong oras mag sisimula ang ball. Paano nga pala ako pupunta ro'n? Kinuha ko ang aking telepono para sana tawagan siya ngunit may mensahe mula sa kanya.

I'll be there at 6, dapat handa ka na pagdating ko diyan because I hate waiting. Ako dapat ang hinihintay hindi 'yung ako ang pinaghihintay.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon