THIRTY EIGHT

1.1K 24 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.

Nasa supermarket kami nang araw na iyon. Magluluto raw si Kenzie, hindi ko alam kung ano dahil surprise raw sabi niya. May kalayoan sa supermarket ang bahay namin. Walang kotse na dala si Kenzie kaya nag-trycicle kami. Tawang-tawa pa ako sa kaniya kanina nang sumakay kami ng trycicle. Naghahanap siya ng taxi pero walang nadaan na taxi at trycicle lang ang meron dito. May tinatago rin palang kaartehan sa katawan ang lalaking ito. Parang kulang na lang ay spray-han niya ng alcohol maging ang driver.

Hindi naman kami inabot ng ilang oras sa supermarket dahil mukhang alam na niya kung ano ang dapat bilhin. Mabilis kaming natapos sa pagbili ng sangkap sa lulutoin niya. Bumili na rin kami ng grocery sa bahay dahil feeling ko ay matatagalan pa kami rito sa Cebu. Mas mabuti na rin dahil 3 weeks na lang ay pasukan na ulit. Hay! Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang makita ko ulit ang mga kuya ko sa party tapos tinanggap ako ulit ng mommy at daddy ko.

Nag-trycicle ulit kami pauwi. Pagdating sa bahay, agad na sinimulan ni Kenzie ang paghahanda sa lulutoin niya. Samantalang ako ay inayos ko ang mga pinamili namin sa loob ng ref. Nang matapos ay kumuha ako ng apple saka umupo sa kitchen island saka pinanuod siyang maghiwa.

"Anong lulutoin mo?" Hindi ko alam kung pang ilang beses ko nang tinanong sa kaniya kung ano ang lulutoin niya.

Hindi niya ulit ako sinagot. Kumagat na lang ako sa apple na hawak nang wala sa sariling napatingin ako sa braso ni Kenzie. Sando lang ang suot niya at naka apron. Ang ganda ng hubog ng katawan niya. Ang mga braso niya ay talagang naghuhumiyaw na alagang-alaga sila. Umakyat ang tingin ko sa leeg niya, sa mukha hangang sa napadapo ang tingin ko sa mga labi niya.

Bigla kong naalala ang nangyari sa amin last night. Agad akong kinain nang hiya nang maalala kung saan-saan umabot ang labi niya sa  parte ng katawan ko. At ang reaksyon ko kagabi habang ginagawa namin 'yon, hindi ko ma-imagine ang sarili ko. Unti-unting nag-iinit ang mukha ko. Tuloy ay hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos. Tumikhim ako saka tumalikod at napakagat labi.

"Are you okay?" nagtatakang tanong niya.

Nakatalikod ako sa kaniya nang tumango. "Mm-mm. Ahm, labas muna ako." Hindi ko hinintay ang sagot niya. Agad akong bumaba ng kitchen island at tumakbo palabas.

Hindi ko naman pinagsisihan ang nangyari kagabi. Sadyang nahihiya lang talaga ako na tumingin sa kaniya sa tuwing maaalala ko iyon. Lalo na 'yong sa part na...

"Aishhh! Tama na nga!" Para akong baliw na sinisigawan ang sarili saka kumagat sa apple na hangang ngayon ay hawak ko pa rin pala.

Tumingin ako sa dulo ng dagat kung saan tila nagsasalubong ang dagat at ang langit. Inipit ko ang aking buhok sa gilid ng aking tenga dahil nililipad ito ng malakas na hangin. Lumingon ako sa bahay, matatagalan pa naman siguro si Kenzie sa pagluluto. Isa pa, hindi naman ako sasagotin no'n. Maglalakad-lakad na lang muna ako.

Ang bawat apak ko sa buhangin ay sinisipa ko. Itinaas ko sa likod ang isang paa ko at kinuha ang tsinelas, gano'n din ang kabila. Binitbit ko ang dalawang tsinelas ko habang naglalakad sa buhangin. Ang sarap sa paa, parang nama-massage ang mga ito.

Hindi pa ako masyadong napapalayo sa bahay. Naaliw akong tignan ang mga puno na sumasayaw sa bawat samyo ng hangin. Sa 'di kalayoan, may nakita akong lalaki na nakatayo sa dalampasigan. Kumunot ang noo ko, kinikilala ang lalaki sa dalampasigan. May mga bahay-bahay na sa banda rito na maihahalintulad sa isang kubo.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon