FIVE

2.9K 58 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Paalala: Hindi perpekto ang kwentong inyong mababasa. Nagtataglay ito ng sandamak-mak na typographical at grammatical error. Kung ang hanap n'yo ay perpektong akda, paumanhin ngunit hindi n'yo iyon mahahanap sa kwentong ito. Maraming kamsahamnida.

Nang masalinan ng dugo si Zaiah, unti unti nang bumuti ang lagay niya. Dalawang araw muna kaming nanatili sa hospital para mamonitor ng doctor si Zaiah bago tuluyan siyang makalabas. Sa loob ng dalawang araw na 'yun, palaging dumadalaw si Kenzie. Nagdadala ng prutas, pagkain, laruan at kung ano pa. Minsan nga ay naiinis ako dahil hindi naman niya kailangan gawin 'yun, pero sa tuwing makikita kong napapasaya niya ang anak ko sa mga dinadala niya, parang mas gusto ko nang dalhan na lang niya lagi ng regalo ang anak ko.

Sa nakakikita ko, tila pinaninindigan nga talaga niya ang sinabi niyang siya na ang tatayong daddy ni Zaiah. Mukhang tuwang tuwa naman siya sa anak ko, lalo na sa tuwing tatawagin siya nitong dada.

Nang araw na na discharged si Zaiah sa hospital. Kasama pa rin namin si Kenzie, siya pa nga mismo ang naghatid sa amin sa bahay. Hiyang hiya ako sa kanya no'n dahil talagang nag abala siya para sa anak ko. Sa totoo lang, ibang Kenzie ang nakikita ko kesa sa nakasanayang Kenzie na nakilala ko sa tuwing kaharap at kakulitan niya ang anak ko. Ibang iba siya, lumalabas ang mga personalities niya na hindi ko pa nakikita. May tinatago rin palang kalambotan ang isang supladong Kenzie Chiu.

"Baby, come here. Time to take your medicine," malumanay kong sabi sa anak ko.

Busy siya sa paglalaro sa new doll house niya kasama ang kanyang dolls na bigay ni Kenzie.

"Wait lang, Mimi," nabubulol niyang sagot

"Baby, come here na. May lakad pa si mimi, eh,"

Napatigil naman siya sa paglalaro at tumingin sa akin.

"Whel al you going, Mimi?" curious niyang tanong.

Literal akong natawa dahil sa bulol niyang tanong. Hindi pa kasi niya mabigkas ng maayos ang letter r. Sabagay, she's just two years old. Usually, 2-3 years old kids saka lang nila naaaquire or kayang bigkasin ng maayos ang letter R. Kids like the age of my daughter, they pronounced the letter R as L. May mga letters na hirap pa silang bigkasin o e pronounce ng maayos, such as S, F, G, H, Q, R, W. For their age, nabubulol pa sila kapag pinopronounce o binibigkas ang letters na 'yun. Sa tuwing bibigkasin niya ang letters na 'yun, ibang pronunciation ang maririnig, minsan nakalabas pa ang dila. Kapag naman tinuturuan ko siya ng tamang position ng dila o ng form ng lips, ginagaya niya ako pero over ang pagkaka gaya niya.

"Work, baby. Iiwan muna kita kay aling Ester, ha? Babalik naman ako agad, eh," malambing kong sabi

Ngumiti lang siya saka bumalik sa pag lalaro.

Saturday ngayon kaya buong araw akong magtuturo kay Kai ng mga lesson na hindi niya alam. Pero kung minsan, kapag wala nang gagawin si Kai, pinapauwi niya na lang ako, binibilinan ko na lang siya ng mga assignments kumbaga tapos binibilin ko rin na magbasa basa siya.

Ngayon, sana wala rin kailangan gawin si Kai para makauwi ako agad. Marami akong kailangan gawin at pag aralan dahil nga isang buong linggo akong absent. Nag paliwanag naman ako sa mga prof ko, kinailangan kong aminin ang totoo na nagkasakit ang anak ko at walang ibang mapag iiwanan sa kanya. Nabigla pa sila dahil hindi raw halata na may anak na ako. Natakot nga ako na baka makatanggap ako ng discrimination, pero mabuti na lang at naintindihan nila ang naging sitwasyon ko. Binigyan lang nila ako ng mga activities para makahabol ako sa mga quizes na namiss ko. Humingi na rin ako ng copy ng mga notes kay Alice.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon