TWENTY NINE

1.2K 34 3
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


Hindi na nawala sa aking labi ang ngiti hangang sa makauwi kami bandang 9 pm. Matapos kasi naming kumain ay nanatili muna kami sa yate. Ninanamnam ang bagaman malamig ngunit masarap sa pakiramdam at nakaka-relax na simoy ng hangin. Nakadagdag sa magandang sandaling iyon ang pagyakap sa akin ni Kenzie mula sa likuran. Pakiramdam ko, walang 'sing sarap ang sandaling iyon. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. 'Yong wala kang pag-aalinlangan na hayaan siyang gawin ang nais niyang gawin dahil alam mong nasabi mo na ang nilalaman ng puso mo, hindi tulad noon na nakakailang at binabagabag ang loob mo sapagkat alam mong siya ay napaka vocal sa nararamdaman niya. Hindi niya lang sinasabi kung ano ang nararamdaman niya kung hindi ay pinaparamdam niya pa ito ng paulit-ulit-ulit. Samantalang ikaw ay hindi man lang magawang maiparamdam sa kanya ang tunay mong nararamdaman.

Ang sarap sa pakiramdam na magkayap kami habang umiihip ang malamig na hangin. Ngunit mas lamang ang init ng katawan ni Kenzie, lalo na ang init sa aking pisngi. Sa puntong iyon, nais ko sanang ihinto muna ang oras para matagal tagal ko pang maramdaman ang sarap ng sandaling iyon. Nakakapanibago ngunit labis ang aking saya.

Naalala ko tuloy kung gaano ka suplado si Kenzie sa akin noong tutor pa ako ng kapatid niya. Napakadamot niya sa salita at tahimik lang, hindi pa pala ngiti kaya maiisip mo na lang baka galit siya o may malaking problema. Ibang iba ang Kenzie na kayakap ko kanina sa yate. Malambing, maalalahanin, masayahin, mapagmahal na Kenzie ang kasama ko kanina. At mas gusto ko ang Kenzie na iyon kesa ang Kenzie noon.

Dumiritso na agad kami sa kwarto nang makarating sa bahay. Tila tulog na lahat ng tao sa bahay.

"Shower muna ako," sabi ko kay Kenzie. Nilagay ko ang sling bag sa mini table ng kwarto.

"Want me to join you?" inosente ang mukha ngunit halatang nanunudyo.

Sinamaan ko siya ng tingin "Magtigil ka!" pabulong kong angil dahil baka magising si Zaiah.

Nginisihan niya lang ako "Maybe next time, yeah?" nandoon pa rin ang nanunudyo niyang boses.

"Baliw," bulong ko bago tuluyang pumasok sa banyo.

Kailan pa siya nagbiro ng gano'n? Hindi naman niya ugaling sabihin ang gano'n, noong una nga naming dating rito ay ayaw pa niyang tumabi sa amin, tapos ngayon ay magsasabi siya tungkol sa pagligo ng sabay?

Minadali ko ang aking pagligo. Ngunit napapatigil ako at mapapatingin sa salamin  saka ngingiti na animo'y baliw. Hindi ko maiwasang mangiti sa tuwing babalik sa isipin ko ang sandali kanina. Sigurado akong hindi ko iyon malilimutan. At kapag maaalala ko iyon bukas o kailanman, mapapangiti pa rin ako na para bang kahapon lang iyon nangyari.

Paglabas ko nang banyo, naka bathrobe na ako at may tuwalya sa ulo. "I'm done," sabi ko kay Kenzie. Ngunit napatigil ako nang makita ang pajamas ko sa ibabaw ng kama.

"I prepared your pajamas already," ani Kenzie "Shower na 'ko," dagdag pa niya bago dagling pumasok sa banyo.

Kinuha ko ang pajamas na maayos na nakatupi sa ibabaw ng kama. Ngunit agad na nanlamig ang katawan ko at nag init ang pisngi nang may nakita ako sa ilalim ng nakatuping pajamas.

Undergarments...

Gosh! Mas lalong nag init ang aking mukha. Bakit maging underwear ay ipinaghanda niya ako? Napapikit ako kasabay ng mariing pagkagat sa aking labi. Nakakahiya! Pinaghanda ako ng boyfriend ko underwear!

Kagat-labi kong isinuot ang telang iyon sa aking katawan. Nang matapos sa pag bibihis ay tinuyo ko ang aking basang buhok gamit ang tuwalya. Habang ginagawa iyon ay naiisip ko kung paano ko haharapin si Kenzie gayong nakita niya ang isa sa underwear ko. Nakakahiya! Mas lalong nag iinit ang mukha ko. Bakit kasi maging underwear ay hinanda niya? Ano bang naisip niya? Hindi man lang ba siya nagdalawang isip na gawin iyon? Pinaghahanda ko rin naman siya ng maisusuot ngunit hindi ko naisipang isama ang underwear sa ihahanda.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon