SEVENTY-SEVEN

644 16 1
                                    

Mommy at Eighteen
By; Jlessbiiiiim

NAPATINGIN ako kay Kenzie nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko. Inaya kami ni Tita na dito na mag-dinner sa bahay nila at ihahatid na lang kami ni Kenzie pagkatapos.

"Thank you," mahinang sabi ko sa kaniya.

Sa hindi inaasahan, nakasalubong ko ang mga mata ni Iris na noon ay matalim nang nakatitig sa akin. Kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang sinusugod na nila ako sa sopital ngayon. 

Katapat ko siya sa mesa habang nasa tabi niya si Primo na bibong-bibo na kumakain. Pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya bago tumingin kay Tito nang tawagin niya ako.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Darwin?" tanong ni Tito.

"Dad!" nangibabaw naman ang boses ni Kenzie.

"Why?" nagtatakang tanong ni Tito.

"Will you not mention that name in front of me?" iritadong tugon niya.

"Why?" mukhang walang idea si Tito.

Hagikgik ni Tita ang sunod naming narinig. Masama ang mukha na tumingin si Kenzie kay Tita saka nag-tss. Na-bad trip yata si Kenzie. Ayaw niya ng inaasar.

"Don't mention his name na lang, Hon," ngingisi-ngising ani Tita kay Tito. 

Ang kanina'y walang idea na si Tito ay unti-unting napangisi, marahil ay napagtanto na niya kung bakit ayaw marinig ni Kenzie ang pangalan ni Darwin. "I see," tatango-tangong ani Tito. "Anyway, hija. How did you met him?"

"Gusto niyang magturo at nag-apply siya sa school... ko," hindi ko pa agad nabanggit ang ko.

Hindi ka pa rin ba sanay, Sheena, na school mo na 'yon?

Tumango-tango si Tito. "Mabuting bata ang isang iyon-"

Hindi natapos ni Tito ang kaniyang sinasabi nang biglang may kumalampag na kobyertos. Nang tignan ko ang aking katabi, hindi na maipinta ang kaniyang mukha.

Gusto ko siyang tawanan dahil sa inaasal niya pero pinigilan ko dahil baka mas lalo siyang ma-bad trip.

"Pag-uusapan lang ba natin siya? Baka gusto n'yo pa siyang imbitahin dito?" sarkastikong sabi niya.

"What? Anak, nagtatanong lang naman si Daddy mo kay Sheena," mahinahong ani Tita.

Kenzie just hissed and shook his head in disbelief.

"Kung pag-uusapan ninyo ang gagong 'yon, huwag sa harap ko," naasar niyang tugon.

Nakakatuwa ang reaksyon ni Kenzie, sa katunayan ay gusto kong pagtawanan siya pero huwag na lang dahil baka mas lalo siyang ma-bad trip. Pilit na lang naming itinago ang aming ngiti dahil sa reaksyon niya dahil ang seryoso ng mukha niya, kulang na lang ay magbuno ang mga kilay dahil sa pagkakakunot nito.

"Who's Darwin?"

'Yong kayo pigil na pigil sa tawa para lang hindi lumala ang inis ni Kenzie pero may isang biglang magtatanong. Kaya halos sabay kaming napatingin kay Iris na noon ay may inosenting mukha.

Napatingin ako kay Kenzie nang mabilis siyang sumagot. "He's no one," seryoso niyang sinabi sabay pinagkrus ang mga kamay.

"Then why you do seem-" bago pa niya matapos ang sasabihin, pinutol na agad siya ni Tita.

"He's the son of Zoren's close friend," simpling sagot ni Tita, tinatapos ang usapan.

Hindi na ulit nagsalita si Iris pero nahuhuli ko siya sa gilid ng mga mata ko na may matalim na tingin sa akin.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon