THIRTY THREE

1K 20 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Sinubokan kong tuyoin ang pisngi ko gamit ang aking mga palad pero patuloy naman sa pag agos ang mga luha. Bakit nangyayari na naman? Kung kailan nagtitiwala na ako ulit nasasaktan na naman ako?

Hindi pa man ako nakakalayo sa condo unit ni Kenzie, napasinghap ako nang bigla na lang may humila sa akin at basta na lang ako hinila.

Kenzie...

Hinila niya ako hangang papasok sa unit niya. Nang makapasok naman ay marahas niya akong isinandal sa pinto kaya naman gumawa ng malakas na ang ingay ang pagsara no'n. Hindi pa man ako nakakabawi sa sakit ng pagkakasandal niya, napatigil ako ng siilin niya ng halik ang aking labi. Marahas, mapusok, mapaghiganti, tila pinaparamdam niya sa halik niya ang galit niya.

"Kenzie-"

Sinapo niya ang parehong pisngi ko at mas idiniin pa ako sa pinto. Napaungol ako dahil mas naging agresibo ang mga galaw ng labi niya. Hindi ko ito magawang sabayan. Ibang-iba ang paraan niya ng paghalik niya ngayon kesa noon. Hindi ito 'yong Kenzie na gentleman, ito 'yong Kenzie na mapaghiganti. Galit siya at ramdam ko 'yon sa ginagawa niya sa akin. Sinubokan ko siyang itulak ngunit mas dinidiin niya lang ako sa pinto. Kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. Kung sa ganitong paraan siya makakaganti sa hindi ko alam kung bakit.

Gumapang ang halik niya papunta sa panga ko, pababa sa leeg. Napaigtad ako dahil sa kuryente na dulot ng halik niya. Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko at nasundan pa ng Isa hangang sa maging hagulgol na. Tumigil sa Kenzie sa ginagawa ngunit ang mukha ay nasa leeg ko pa rin. Nararamdaman ko ang mabigat niyang paghinga sa leeg ko.

"Damn." Naramdaman kong pinulupot niya ang parehong braso sa bewang ko at marahan akong hinapit papalapit sa kanya saka ako niyakap, binaon niya ang mukha sa leeg ko.

Mas lalo akong napahagulgol sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan, galit siya sa akin at nakipag hiwalay kanina tapos ganito ang ginagawa niya ngayon. Pinaparamdam na naman niya sa akin ang pagiging gentleman niya.

Bumitaw siya sa yakap saka hinarap ako. Wala na 'yong blanko niyang mukha kanina. Napalitan na 'yon ng malumanay at nag-aalong tingin. "Hush, my sunshine. I'm sorry. I'm sorry. Mmm? I'm sorry." Paulit-ulit niyang sabi habang hinahalikan ang sentido ko. Pero imbes na kumalma, mas lalo lang akong naiiyak.

"Hindi ko maintindihan, Kenzie. Bakit...." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. Nahihirapan akong magsalita at huminga dahil sa barado na ang ilong ko.

Niyakap niya ako ulit ng mas mahigpit. "I'm so sorry, love. I'm sorry."

Now he's calling me different names. Hindi ko talaga maintindihan. Galit siya tapos nagpapaka-sweet ngayon.

"Why are breaking up with me?" Tanong ko sa pagitan ng hikbi.

"I'm sorry. I didn't mean it. Please stop crying, Mimi. Hindi ko kayang mawala ka. Just explain everything about the f*cking photos, I'll believe you," animo'y humahangos na aniya.

Napatigil ako. Photos? Lumayo ako sa kanya , pinahid ko ang mga luha sa aking mukha at nagtatakang tinignan siya.

"Photos?" Nagtatakang tanong ko.

"The photos that someone sent me."

"What?"

Umalis siya sa harap ko at naglakad papunta sa center table. Kinuha niya ang cellphone niya at nagpipindot doon. Dahan-dahan akong naglakad papalit sa kanya. Tumingin siya sa akin at inabot ang kanyang cellphone. Nagtataka akong kinuha 'yon at tinignan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang sinasabi niyang photos.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon