FOURTEEN

2.2K 41 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Kinabukasan late na akong nagising kaya nag madali akong pumunta ng kitchen. Ni hindi na nga ako nag abalang mag toothbrush at mag hilamos dahil nag mamadali ako. Pero napatigil ako sa pag pasok sana sa kitchen nang may marinig akong tunog. Parang may tao sa kusina?

Tama nga ako, may tao sa kusina at naghahanda ito ng breakfast.

Lumingon siya sa akin saka ngumiti "Good morning, Miss Sheena. Ako nga po pala si Amy, pinadala ako ni Sir Kenzie rito para pag silbihan kayo at maging yaya ng anak niyo po," pormal nitong sinabi.

Hindi naman agad ako nakapag react. Ilang beses ako kumurap. Seriously? Akala ko ba ay bodyguard lang ang ipapadala niya? Bakit pati taga silbi meron?

Lumabas ako ng bahay para sana tignan kung may bodyguard nga siyang pinadala. Meron nga. May walong bodyguard ang nag lalakad lakad sa labas ng bahay ko. Grabe. Bilib na talaga ako sa Kenzie na 'yun. Todo effort sa amin, pero nakokonsensya ako, hindi ko man lang magawang ibalik lahat ng effort niya, kahit sana sa pamamagitan lang ng pagbabalik ko ng pagmamahal niya sa akin. Pero anong magagawa ko? Hindi pa ako handang muling buksan ang puso ko sa iba.

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiritso sa banyo para maghanda papasok ng skwelahan. Pag labas ko ng banyo, wala na si Zaiah sa kama. Nag madali akong mag bihis ng uniform saka lumabas at nagtungo sa kusina.

Nakakapanibago, nakahanda na ang lahat, kakain na lang kami. Parang nakikita ko tuloy ang sarili ko 3 years ago. 'Yung may nag seserve sa akin, kasi iyon ang ginagawa ni Amy ngayon. Pinaupo niya ako sa isang silya katapat ni Zaiah na ngayon ay nginunguya ang kanyang pagkain sa bibig, ang cute cute niyang tingnan. Nilagyan ni Amy ng rice, ham, hatdog and egg ang plate ko.

"Ah, Amy, masyadong madami," umalma ako

Malumanay siyang ngumiti "Pasensya na, Miss Sheena, utos po kasi ni sir Kenzie na huwag kayong hayaan na kumain ng kaunti. Dapat raw po ay kumain kayo ng madami dahil ang skinny niyo raw ho,"

Tss. Skinny? So, ano papatabain niya ba ako?

Hindi na lang ako nag reklamo nang dagdagan pa niya ang pagkain sa plato ko. Ngunit hindi ko rin iyon naubos.

"Baby, aalis na si Mimi, ha. Be a good girl, okay?" malambing kong bilin sa anak ko saka hinalikan siya sa labi. "Ayabyo, baby"

"Ayabyo, Mimi"

Ngumiti ako saka lumabas ng bahay. Agad naman akong sinalubong ng dalawang bodyguard. Tuloy ay napatingin ako sa aming mga kapitbahay. Ang iba kasi ay nakatingin sa amin at biglang mag uusap. Siguro nagtataka sila kung bakit may mga men in black rito. Nakakahiya.

"Good morning, miss Sheena. I am Cedric, and this is Carlo, pinadala kami ni sir Kenzie para bantayan kayo," anang isang men in black

Wala sa sariling napatango ako.

"Hehe," tanging nasabi ko saka nag lakad. Napahinto ako nang maramdaman na sumunod sila sa akin. Nilingon ko sila na napaka seryoso ng mga mukha at tindig. "Are you going to follow me?"

"Yes, miss" seryosong sagot ng isang lalaki na ang ngalan ay Carlo

"Seriously?"

"Yes, miss. Sir Kenzie's order," sagot niya

Napakamot ako sa aking ulo kahit hindi naman ito makati. Wala akong nagawa kung hindi hayaan silang sumunod sa akin. Umalma sila nang sabihin kong mag jejeep ako, dahil may pinadala namang kotse si Kenzie para maging service ko. Ngunit nag pumilit akong mag jejeep na lang.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon