SEVENTY-EIGHT

498 13 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Napatingin ako sa kamay ko nang hinawakan ito ni Mommy at bahagyang pinisil. Nang tumingin ako sa kaniya, ngumiti siya na parang pinapalakas ang loob ko.

"Everything is going to be fine kahit ano man ang result."

Nginitian ko rin si Mommy. "Thank you, Mommy."

Nang marating namin ang mansyon ng mga Chiu, iginiya kami ng isang maid papunta sa living area kung saan naabotan namin ang buong pamilya ni Kenzie, sina Iris at ang kaniyang anak. Maging si Kuya Sic ay nandito rin pati si Daddy. Si Kenzie na lang ang kulang.

"Claire, Sheena." Sinalubong kami ni Tita Kathie. "Please, take a sit." 

Sa mahabang couch kami na-upo ni Mommy. 

Everyone is silenced. Parang ang seryoso ng lahat, tuloy ay mas nadagdagan ang kaba ko. Ewan ko ba, hindi na nawawala pa ang bigat ng pakiramdam ko. 'Yong pakiramdam ba na may narinig kang bad news. Hindi ako komportable sa mga oras na 'to, gusto ko nang marinig ang resulta. Pero at the same, parang ayaw ko rin marinig. 

Napatingin ako kay Mommy nang hawakan niya ang mga kamay kong bahagyang nanginginig na nakapatong sa ibabaw ng mga hita ko. Mariin niya itong pinisil. 

Halos sabay-sabay kaming napatingin sa may main door nang bumukas ito at pumasok si Kenzie. Feeling ko mababaliw na ako sa nararamdaman ko. Para kaming naghihintay ng isang bomba pasasabogin. 

Lalapit sana sa akin si Kenzie pero biglang tumayo si Mommy sa harap ko kaya naharang si Kenzie. Kaya sa tabi na lang siya ni Kai tumayo. 

"Now that everyone is here. Let's find out the result. But first let me say a few words," panimula ni Mommy. "Hindi ko pa nakikita ang result. Pero gusto ko lang sabihin, na positive o negative man ang result," tumingin si Mommy sa akin. "Hindi ko na ilalayo ang anak at apo ko kay Kenzie. Kenzie is the one who completed my daughter and granddaughter's life. At hindi ko gugustohin na ako pa mismo ang sisira nun. Kaya whatever my daughter's decision will, susuportahan ko siya."

Simula nang makapasok kami sa mansyon, ngayon lang ako napangiti. Kahit papaano ay nabawasan ang ikinakabahala ko. Hindi na kami ilalayo ni Mommy kay Kenzie.

"Can we see the result now?" animo'y hindi makapaghintay na sambit ni Iris, may sarcasmo pa sa kaniyang boses. 

Napatingin kami sa kaniyang lahat. Sa aming lahat ay tila siya lang ang hindi kinakabahan, easy lang siya na para bang alam na niya ang resulta.

"Okay," sambit ni Mommy saka binuksan ang envelope.

Sobrang tahimik ng lahat, tanging ang napupunit lang na envelope ang nagbibigay ingay. Mas tumriple pa ang kaba ko at halos hindi na makahinga nang mailabas ni Mommy ang laman ng envelope at tinignan ito, lalo na nang masaksihan ko ang naging reaksyon ni Mommy.

"M-mom, what's the result?" kabadong tanong ko.

Napatingin sa akin si Mommy saka sa iba pa. I wanted to know the result para matapos na, may parte rin sa akin na umaasa na negative ang result. But as soon as I heard the result, parang gusto ko na lang takpan ang tenga ko at magkunwari na hindi ko narinig ang result.

"It's positive."

"What?!" Kenzie's parents exclaimed.

I saw Kuya Sic grabbed the piece of paper from Mommy which contains the DNA result and look at it. "What the hell?" I heard him murmured. 

"It's impossible," narinig ko ring bulong ni Kenzie.

Everyone was in shocked except Iris who immediately hugged her son nang ianunsiyo ni Mommy ang result. While me, bewildered at the moment. Positive? Sa oras na 'to parang naging bobo ako at hindi agad nag-sink in sa utak ko ang ibig sabihin  ng positive. 

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon