TWENTY

1.9K 35 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


"Mimi, dada! Look!" sinundan namin ang itinuro ni Zaiah. It's a toy store. Tumakbo siya papunta sa toy store kaya agad kaming napasunod sa kanya. Napaka exaggerated niya ngayon. Tsk. Hindi naman siya mahilig sa laroan pero bakit ngayon sa toy store agad ang punta namin?

"Kasalanan mo 'to, Kenzie!" asik ko kay Kenzie

"Luh!? Anong ginawa ko?" pa inosente niyang tanong. Inirapan ko naman siya.

"Ikaw ang nag spoil sa anak ko! Kung hindi mo siya binilhan ng laroan noong nakaraan, eh, 'di sana pagkain lang ang inaatupag niya!"

"Bakit ka ba nagagalit? Bata lang ang anak ko kaya natural lang sa kanya na maingganyo sa mga laroan!"

"Ewan sa 'yo! Bad influence ka sa anak ko! Lalo na 'yung dugo mong nananalaytay na sa ugat niya ngayon. Sinisira niyon ang isip ng anak ko!"

"Good influence ako uy! Lalo na ang dugo ko. Pansin mo mas gumanda ang anak ko simula no'ng masalinan siya ng dugo ko!"

"So, sinasabi mong pangit ako?" pinaningkitan ko siya ng mga mata at nakapameywang.

"Luh! Hindi ko sinabi 'yan uy!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nginitian niya lang ako, 'yung ngiti na nawawala 'yung mata at halatang pilit. Mapang asar rin ang engineer na 'to. Ano kayang nagustuhan ko sa kanya? Lol!

"Ang cute nila mag away."

"Oo nga, pinag aawayan nila 'yung anak nila"

"Naiingit tuloy ako, sana makahanap ako ng tatay ng anak ko na kasing gwapo niya"

"Eh, teka, hindi ba siya 'yung top engineer? Sa bachelor's magazine?"

"Oo nga. Ang gwapo niya sa personal. Tara papicture tayo."

Pinaningkitan ko ng mga mata si Kenzie na tuwang tuwa sa mga naririnig mula sa mga tao na nasa loob rin ng toy store. Tsk! Lumapit ako kay Zaiah na nag titingin tingin sa mga laroan.

"Baby, let's go," hinawakan ko siya sa kamay at tinayo saka hinila palabas ng store.

"Sheena, wait!" sigaw ni Kenzie pero hindi ko siya pinansin. 'Yan pala ang gusto mo, ha? Ang dumugin ng mga babae? Sigi pag bibigyan kita. Tarantado ka!

"Mimi, we left dada," sabi ng anak ko

"Just let him, baby. He loves crowd. I am hungry na, where do you want to eat?" nakangiti kong tanong.

"Joyebee!" pasigaw niyang sagot, nagiging exaggerated siya kapag tinatanong kung saan kakain at sasagot ng Jollibee.

Nginitian ko siya saka mahinang kinurot ang pisngi niya "Okay,"

Bumaba kami sa ground floor dahil nandoon ang mga fast food chain. Tumatalon talon pa ang anak ko habang papasok kami ng Jollibee. Mukhang nakalimutan na niyang iniwan namin ang daddy niya. Huh! Sabi sa inyo mas mahalaga sa anak ko ang pag kain, eh.

Kaunti lang ang tao sa Jollibee ngayon, maraming vacant table kaya umorder na lang kami agad. Spaghetti with chicken ang tinuro ni Zaiah gano'n rin ako.

"Gusto niyo po, maam, e upgrade ang drinks niyo into coke float?" magiliw na tanong ng crew.

"Sureness, miss. Dalawang coke float. Pa add na rin ng large fries and sundae. Thank you,"

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon