TWENTY FOUR

1.4K 29 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Magrerenta sana kami ng bike, kaso hindi pwedeng sumakay si Zaiah kasi maliit pa. Maganda sanang gamitin ang bike para maglibot sa Nami Island for an hour. Napag desisyon naming mas maganda kung maglalakad na lang kasi mas ma-fe-feel namin ang scenery kung mag lalakad at mas makikita namin ng matagal ang buong paligid, ang mga pine trees, redwoods at ang nakakabighani sa gandang cherry blossoms. Nakakainggit ang kalinisan ng buong paligid. Wala kang makikitang kahit anong dahon sa nilalakaran mo.

Kung hindi nag reklamo si Zaiah na napapagod na siya at nagugutom, hindi pa siguro kami matatapos sa paglilibot. Kumain kami sa isang restaurant, na hindi natahimik dahil sa kaka-kwento ni Zaiah tungkol sa mga nakita niyang mga puno, kulay ng dahon nito at mga hayop. Observant rin kasi ang anak ko, kung ano ang nakikita niya na nakakapagpamangha sa kanya ay i-ku-kwento niya. May pinuntahan rin kaming shopping stores, souvenir shop, museum. Nakakatuwa rin kasi may mga nag-pe-perform pa. Hapon na nga noong makauwi kami. Tuloy pareho kaming bagsak pagka-uwi namin ng hapong iyon.

Kinabukasan ay maaga rin kaming nagising upang maghanda sa pag punta sa Jeju Island. Hindi ko naman maiwasang ma-excite ng sobra, kaya hindi ko rin matanggal ang ngiti sa aking labi. Isa rin kasi ang Jeju Island sa pangarap kong mapuntahan sa Korea. Nabigla pa nga ako nang malaman na ang sasakyan namin papunta roon ay ang yate na pag-aari mismo ng asawa ni Tita Dale na si Tito Eunjin. Grabe, noon ko lang nalaman na ang yaman rin pala niya.

"Wow..." hindi na nga yata siguro matatapos pa ang paghanga ko sa mga lugar na napuntahan at mapupuntahan ko pa rito sa Korea. Kakababa pa lang namin sa daungan ng Jeju at heto, kagandahan agad ng lugar ang sumalubong sa amin. Nakisama pa ang maaliwalas na panahon.

Inipit ko sa gilid ng aking tenga ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin. Maiksi na ang buhok ko at hindi lahat naisasali sa pagtali ko, may ibang maiiwan. Tuloy ay nagmimistulang messy bun ang style nito.

"Let's go, family!" masayang ani Tita Dale, ang laki ng ngisi niya.

Nasa unahan sila ni Tito Eunjin, magkahawak kamay pa. Samantalang nakasunod sa kanila sina Aegyo at Yeupo.

"Mimi, up," tinunghayan ko si Zaiah, naka taas na ang kanyang dalawang kamay. Nginitian ko siya saka kinarga. Nabigla ako ng may bahagyang humablot sa bag na nakasabit sa balikat ko.

Si Kenzie.

"You carry our baby, I'll bring our things," aniya

Napatitig ako sa kanya. "Our baby?" wala sa sariling nasambit ko

Nagtataka naman niya akong tinignan "Yeah, why?"

"Nothing. Let's go," sabi ko na lang.

Simpling salita lang naman kasi 'yon, pero iba ang naging dating sa akin. Parang ang sarap ng haplos na dinulot niyon sa puso ko. Pakiramdam ko, isa kaming buong pamilya. Siya, si Zaiah at ako. At ang gaan sa loob no'n. Ang sarap isipin.

May nag-hihintay na palang van sa amin. Ito ang magdadala sa amin sa Jeju Island. Akala ko ay sa yate na magtatapos ang pasabog sa mga ari-arian ni Tito. Iyon pala ay may pasabog pa, ang sinasakyan naming can ngayon ay pag-aari naman ni Yeupo, at pupunta kami sa rest house na pag-aari rin ni Yeupo. Bigla tuloy akong nainggit, mabuti pa si Yeupo. May rest house siya sa Jeju.

"Are you sleepy?"

Napapihit ang ulo ko paharap sa katabi ko, si Kenzie. Napansin siguro niyang papaling-paling ang ulo ko. Totoo, inaantok ako, gusto na nga pumikit ng mga mata ko pero pinipilit kong idilat dahil ayaw kong ma-miss ang magagandang tanawin ng nadadaanan namin. Gusto ko makita lahat ng lugar- kahit segundo lang- na nadadaanan namin.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon