THIRTY FOUR

1.1K 21 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nakapangalumbaba akong pinanuod si Zaiah na naglalaro ng luto-lutoan dito sa garden. Umaakto pa siyang naghihiwa ng mga sangkap tapos ay nilalagay sa laroang kawali at hinahalo pa niya saka titikman. Bahagya akong napangiti sa nakikita ko. Ang cute ng anak ko. Napaka-inosente niya.

Napatigil siya sa paglalaro. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Mimi, weys dada?" tanong niya.

Umupo ako ng maayos. "He's at work."

Napasimangot naman siya't nalungkot. "I miss him."

"Don't worry, baby. Dada will visit us if he's not busy at work." Mahina kong kinurot ang pisngi niya. Bumalik naman siya ulit sa paglalaro.

Ilang araw matapos nang muntikan kaming maghiwalay. Naging busy si Kenzie, hindi na kami madalas magkita o kahit pumunta sa bahay. Kapag tatawag naman siya ay mabilis lang din, tipong magha-hi lang tapos babye agad. Ganoon siya ka-busy nitong mga nakaraang araw.

Ngunit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Hindi ko maiwasang makompara ang dati at ngayon. Bago ang nangyari, kahit gaano siya ka-busy ay sumasaglit siya sa bahay, pero ngayon kahit ang ihinto lang sandali sa labas ng bahay ang kanyang sasakyan, hindi niya magawa. Hindi ko maiwasang isipin kung busy lang ba talaga siya o iniiwasan niya ako, kasi ganoon ang pakiramdam ko ngayon. Ngunit hindi ko naman siya matanong kung may problema ba dahil baka mapahiya lang ako sa isasagot niya. Pero sa totoo lang, miss ko na siya. Natatakot akong baka sa likod ng pagkakabusy niya ay may itinatago pala siyang sama ng loob.

Si Joros ay sinampahan namin ng kaso. Ayaw ko na sanang umabot pa sa gano'n ngunit pinagtangkaan niya ako kaya siguro ay nararapat lang na pagbayaran niya ang ginawa niya. Pero makalipas ang ilang araw ay nalaman naming nakapag piyansa pala si Joros. Tila malakas ang kapit niya at kasabay ng pagkaabswelto niya, nawala siyang para bula. Wala na siya sa kanila at hindi alam kung nasaan. Hindi ko alam ngunit ikinakatakot ko ang pagiging missing in action ni Joros. Pakiramdam ko ay isa siyang rebelde na nagtatago at nagpaplano ng kaniyang susunod na hakbang at aatake ng hindi namin inaasahan.

-

Araw ng sabado, umalis kami ni Zaiah sa bahay. Hinahanap ni Zaiah si Kenzie dahil naalala nitong date nila ngayon dahil weekends. Nakakatuwa dahil alam ng anak ko kung anong araw ngayon. Walang pinagbago ang sitwasyon namin ni Kenzie. Tatawag siya ngunit segundo lang din. Mas naging madalang nga ang paguusap namin. Nami-miss na ni Zaiah ang dada niya at umiiyak na siya dahil gusto niya itong makita. Kaya wala akong magawa kung hindi ang dalhin na lang siya sa bahay ni Kenzie. Naisip kong baka nandoon siya sa condo niya ngunit baka rin ay nasa mansyon nila siya kaya naman doon na lang muna kami pupunta.

Hinatid kami ng driver sa bahay nila Kenzie. Tamang-tama dahil nasa labas si manang Elen at nagtatapon ng basura. Pinapsok niya kami at iginiya sa sala.

"Manang si Kenzie nandito po ba?" magalang na tanong ko kay manang.

"Ay nako, Sheena. Wala rito si Kenzie."

"Po? Alam n'yo po ba kung nasaan siya?"

"Nako, anak. Palaging wala 'yan dito. Busy yata sa cite niya. Ang alam ko ay sa condo siya umuuwi nitong mga nakaraang araw."

Sabi ko na nga ba sa condo siya umuuwi eh.

"Ate Sheena."

Napatingin ako sa may hagdan nang may tumawag sa akin. Nakita ko si Kai na pababa ng hagdanan.

Napangiti ako. "Kai."

Lumapit siya sa amin. "Ate, nandito kayo," aniya. Tumingin siya kay Zaiah saka umupo upang mapantayan ito. "Hi, Snow. How are you?"

"Hi, Tito Kai. I am fine," sagot ng anak ko sa maliit na tinig.

Ginulo naman ni Kai ang buhok niya. Napatitig ako kay Kai, sinusuri ang kabuoan niya. Sa loob ng ilang buwan kong pagtuturo sa kaniya noon, naging kabisado ko na ang pangangatawan niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at masasabi kong may nagbago sa pangangatawan niya. Mas nagiging visible na ang hubog ng braso niya, tingin ko ay tumangkad siya at mahahalata na rin ang pagbabago sa kaniyang boses.

"Ate, si kuya ba ang hinahanap n'yo?" baling niya sa akin.

"Oo. Pero mukhang busy talaga ang kuya mo," may bahid ng pagkadismaya kong sambit.

"Sabado ngayon, ate. Baka walang work si kuya kaya subukan n'yong puntahan sa condo niya. Ihahatid ko kayo."

Tumango lang ako.

Hinatid kami ni Kai hangang sa labas ng unit ni Kenzie. Makikita naman sa anak ko na excited siyang makita ang dada niya. Ilang araw na rin niya akong kinukulit na gusto niyang makipag date ulit sa dada niya.

Nag-doorbell kami, ilang segundo lang ay bumukas 'yong pinto.

"Dada!" matinis na sigaw ni Zaiah saka lumapit sa dada niya at yumakap sa binti nito. "Amisyu, dada."

Napangiti naman si Kenzie, yumukod siya at kinarga si Zaiah, agad naman itong yumakap sa kaniya. Ang ganda nilang tignan, kitang-kita ko ang pananabik ni Zaiah sa dada niya, maging si Kenzie. Tumingin sa akin si Kenzie. A certain gesture made my heart skip a bit. He smiled at me and help my hand while carrying my daughter. Pumasok kami sa loob. Pinanuod ko siya nang maingat niyang ibinaba si Zaiah sa sofa. Umupo siya upang mapantayan ito. Nag-uusapan silang dalawa. Sinabi ni Zaiah kung gaano niya nami-miss si Kenzie. Napapangiti si Kenzie habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Zaiah na bulol-bulol naman. Hinalikan niya sa pisngi si Zaiah bago tumayo at lumapit sa akin.

Pinulupot niya ang dalawang braso sa bewang ko. Tinitigan ko ang mukha niya. Kapansin-pansin ang nangingitim na ilalim ng mga mata niya, gulo-gulo ang buhok, halatang puyat. Nilagay ko ang parehong kamay sa mukha niya.

"Pagod ka na?" malumanay kong tanong.

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. Naramdaman kong inihilig niya ang ulo sa aking balikat.

"I am tired. But you're here now. Yakap mo lang ay okay na ako... dahil ikaw ang gamot ko." mahinang sambit niya Tama lang na marinig ko. 

Hinaplos ang puso ko ng sinabi niya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa likod niya, ang isa ay banayad na hinahaplos ang buhok niya pababa sa batok niya.

"Then rest. Dito lang ako hangang sa maging okay ka na," malumanay kong tugon.

Being in his arms, feels so good. I feel so alive, happy and contented. Parang lahat ng doubts ko tungkol sa pagiging missing in action niya ay nawala. He's been very busy kaya madalang siyang bumisita, at nakikita ko iyon sa itsura niya ngayon.

Binigay ko kay Zaiah ang painting materials niya na dinala namin at hinayaan siyang gumuhit. Samantala, dinala ko naman si Kenzie sa kama. He's tired and he needed a rest. Nagtungo ako sa kitchen niya para magluto. At habang nagluluto, bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang mga brasong pumulupot sa aking bewang mula sa likoran. Hindi na ako magtataka kung sino iyon dahil amoy pa lang alam ko na kung sino.

"Kenzie, dapat nagpapahinga ka," may bahid ng sermon na sabi ko.

Mas inilapit pa niya ako sa kaniya. Naramdaman kong pinilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Medyo nakikiliti pa ako dahil inaamoy niya ako.

"I've been longing for this. I badly need you right now. Wala pa akong pahinga simula noong nagka problema sa cite. I've been working 24/7. Kaya just let me rest like this. Just let me rest in your shoulder, my love."

Maging ang boses niya ay mahahalata mong pagod. Tuloy ay curious ako kung anong naging problema ng cite nila para mapagod siya ng ganito. I mean, alam kong mahirap ang trabaho niya pero ang mapagod siya ng ganito?

Nilagay ko ang isang kamay ko sa ulo niya at hinaplos iyon. He's been overworking.

"Magpahinga ka minsan, hindi maganda sa katawan ang inaabuso."

Gumalaw 'yong ulo niya. Naramdaman kong ang mukha niya ay nakaharap na sa leeg ko. Parang may ilang bultahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko sa tuwing lalapat ang hininga niya sa leeg ko, nakikiliti ako.

"I love you."

--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**--**

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon