Andress 105 | Misyon ng Puso

104 14 21
                                    

📖 ANDRESS 📖

|| Misyon ng Puso ||

Walang mapagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ng lahat. Ang bawat isa ay nag-aawitan, nagsasayawan at masayang nagkukwentuhan. Wala kang mababakas na pangamba o takot sa mukha ng lahat kundi kapanatagan at ligaya lamang.

Kanina lang ay sinalubong ako nina Aliah, Kae'an, Ellai, Evan, Kuya Ga'an at ang lahat ng mga naging kaibigan ko mula sa iba't-ibang nayan at baryo. Sobrang saya naming lahat na nagkwentuhan at nagbahagi pa sila ng kani-kanilang mga kwento sa lumipas na dalawang taon. Naputol lamang ang kwentuhan namin nang tawagin ako nila Lola Gana.

Mula rito sa mesa na kinauupuan ko kung nasaan kasama ko sina Lola, Manong Gaper, Ama at sila Pinunong Keba'an kasama na ang ilang matataas na pinuno ng mga malalaking bayan ay kitang-kita ko ang buong kasiyahan.

Tila hindi nangangalay ang aking panga at labi sa pagngiti mula pa kanina nang ako'y dumating habang pinagmamasdan ang lahat.

"Noong nalaman namin na ikaw ay gising na, labis na kasiyahan at kagalakan ang aming naramdaman," wika ni Pinunong Keba'an. Pinutol ko sandali ang pagmamasid sa paligid at humarap sa kanila.

"Napakasaya namin dahil sa wakas, ang naghatid sa amin sa magandang umaga sa mga araw na lumipas ay gising na rin sa wakas. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw ay nasa harapan na namin ngayon, Andress."

Sunod na nagsalita si Ginoong Ludamus. Makisig na ito ngunit mas lalo itong naging makisig. Balita ko pa ay siya na ang bagong pinuno ng Bayan ng Eedu sa Kanluran na kanilang binantayan noon at pinatatag pa ngayon.

"Napakatagal mong natulog, Andress. Gusto naming magsaya lahat na naging tagumpay ang iyong misyon at naibalik ang ipinaglalaban nating lahat. Ngunit paano namin iyon magagawa kung alam naming nakikipaglaban ka kay Kamatayan? Tayo nga ang nagwagi ngunit daig pa namin ang natalo sa isang digmaan ng libong beses sa iyong sinapit," sabi nito.

Maya-maya pa ay tumayo si Pinunong Keba'an, kasabay nito ay ang pagtayo rin ng mga pinuno ng bawat bayan hanggang sa ang lahat ay nakaharap na sa akin.

"Nagpapasalamat ako- kami sa'yo, Andress dahil sa iyong ginawa. Habang tulog ka, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya upang ibalik at muling isaayos ang mga nasirang bayan at baryo. Sa ngayon, ang buong Istenföld ay nasa kalagitnaan na ng kaniyang muling pagbangon. Bumabalik na ang kapayapaan ng 'Lupain ng mga Bathala' at iyon ay dahil sayo," wika ni Pinunong Keba'an bago ito yumuko.

"Maraming salamat, Tagahawak!"

Ang lahat ay yumuko at inulit ang kaniyang pasasalamat.

"Maraming salamat, Tagahawak!!"

Ang gabi ng selebrasyon ay napuno ng kwentuhan, sayawan at masayang pagsasama-samang muli. Dito ibinahagi nila ang lahat ng mga nangyari noong ako'y natutulog pa.

Matapos ang pagdiriwang, nakakaiyak na pamamaalam naman ang kanilang ibinigay sa akin kinabukasan. Maging si Pinunong Keba'an ay naluha rin sa nag-uumapaw na pasasalamat ng lahat, hindi lang sa akin kundi pati sa kaniya dahil sa bukas-palad at taos-puso niyang pagtanggap sa lahat noong mga panahong walang tahanan at seguridad ang lahat.

"Noong nakaraang taon na naibigay ko na sa inyo ang aking mensahe patungkol sa ating pansamantalang paghihiwa-hiwalay. Malungkot ngunit masaya," simula ni Pinunong Keba'an na nakatunghay sa lahat. Ako'y nakangiting nakatitig lamang sa kanya mula sa likuran.

ANDRESSWhere stories live. Discover now