Ang Mga Karakter

131 7 88
                                    

• • • • ANG MGA KARAKTER • • • •

     — Ilalagay ko lahat dito ng mga impormasyon ng bawat karakter na nasa kwento. Alphabetical Order ito ahh.

[ A ]

Adelos — Pinuno ng mga Bandido. Minsang ginamit ang kaniyang pangalan para sa kasiraan ngunit nagawa ring linisin ang pangalan. Isang tahimik at seryoso ngunit maginoo at makisig na binata. Siya ang kasalukuyang pinuno ng mga Bandido sa Silangan [ Kagubatan ng Vaahtera ]. Siya ay isang Biniyayaan o Andekas na taglay ang kapangyarihang gumawa ng mga makatotohanang ilusyon [ Realistic Illusions ].

     — Anak siya ng dating pinuno ng mga Bandido sa Silangan ( Vaahtera - kuta ) na si Nadel/Nadelos. Nilason lamang ang Ama niya ng kanang kamay nito at pinagtangkaan din siyang patayin ngunit nakatakas siya kasama ang ilang pinagkakatiwalaan niyang kasamahan. Habang nagtatago, ginamit naman ng masasamang Bandido ang kaniyang pangalan sa kaniyang kasiraan. Ginamit ang pangalan niya noon sa bentahan ng mga bata at kabataan ngunit sa tulong ng mga Andekas ng Santuario sa pangunguna ni Andress, nagawang bawiin ni Adelos ang kaniyang dignidad at malinis ang pangalan.

     — Isa siya sa mga pinakabatang pinuno na tumulong kay Andress sa kanyang misyon at sa pagbabalik sa kapayapaan sa Istenföld. Siya ay nasa edad 23 ( before matulog si Andress ) / 25 ( paggising ni Andress ).

Agor - Siya ang Ama ni Andress. Isang normal na tao lamang. Noong kabataan niya, isa siyang mabuting tao at masipag kaya sa dami ng lalaki sa kanilang baryo ay siya ang inibig ng Ina ni Andress. Nagbago lamang ang lahat noong namatay ang asawa niya, naging lasenggo at malupit na Ama siya kay Andress dahil sinisi niya si Andress sa pagkamatay ng asawa niya. Minsan siyang napasailalim ng itim na kapangyarihan sa paghahangad na maibalik ang asawa kaya't hindi sinasadyang nabura ni Andress ang sarili niya sa alaala ng Ama. Ito ang nagpalaya sa kanya sa kalungkutan ngunit sa muling pagtatagpo nila ni Andress at pagkakabalik ng kaniyang mga alaala, naging mabuting ama na rin siya at bumawi sa mga pagkukulang kay Andress.

     — Siya ay nasa edad 45 ( before makatulog si Andress ) / 47 ( paggising ni Andress ).

• Ahriman - Isang makapangyarihan Itim na Babaylan mula sa Timog, tagasunod ng kadiliman at ang namuno sa Kulto ni Morgana. Sa kanyang kwento, isa siyang Babaylan sa maliit na bayan sa Timog ngunit nagkaroon ng malalang karamdaman at pinandirihan. Ipinatapon siya sa kanilang bayan at hinayaang mamatay sa kagubatan. Sa galit niya, tumawag siya sa kapangyarihan ng Karimlan at inalay ang kaniyang buong buhay at kaluluwa sa kadiliman at sumumpang pagsisilbihan ang itinalagang Reyna ng Kadiliman na si Morgana.

     — Walang nakakaalam ng kaniyang edad, ngunit kung pagmamasdan ang kaniyang panlabas na itsura, siya ay nasa 70's na. Nagapi na rin siya ni Andress sa huling sagupaan nila sa Timog.

Ajeel - Isang Aetherian o mahiwagang lahi mula sa malayong lupain ng Aetherius. Isa ito sa mga sumunod kay Axion sa Timog at inuwi ang kanilang prinsipe na tumulong noon kay Andress.

     [ Note: Ilang impormasyon lang ang ibinigay ko sa kwento ni Andress tungkol sa kaniya at sa kanilang lahi. Makikilala rin natin siya at ang kanilang lahi sa ibang kwento. Soon. ]

Akhram - Isa sa Anim na Haligi ni Morgana at kapatid ni Ahriman. Mas bata siya kay Ahriman ng ilang taon at isa siyang Andekas na piniling ialay ang kaniyang buhay at kapangyarihan sa dilim tulad ng kaniyang kapatid. Ang kapangyarihan niya ay magmanipula ng itim na likido [ Dark Goo ] na ayon sa kaniya ay "Dugo ng mga Demonyo". Nagagawa niyang i-hulma ito sa nais niya, patigasin at may sumpang dala na kayang kunin ang buhay ng madidikit dito. Siya ang dumukot kay Enthon noon at idinala sa Timog upang maging kapanalig nila.

ANDRESSWhere stories live. Discover now