Andress 107 | Huling Paglalakbay

88 12 17
                                    

📖 ANDRESS 📖

|| Huling Paglalakbay ||


Matapos ang masayang hapunan ay nagpaalam na rin sila Kuya Saturno na babalik sa Santuario. Ang lahat ay nagpaabot ng bilin at hiling ng tagumpay sa aking gagawing paglalakbay.

"Sandali akong mawawala sa mata ninyong lahat. Hindi ko masasabi kung kelan ako muling babalik, maaring ilang araw lang o ilang linggo, basta ako'y babalik ng hindi niyo namamalayan. Mawawala ako ng pansamantala ngunit ipinapangako ko na babalik akong muli."

'Yun ang huling paalam ko sa lahat, hindi lang para sa mga kaibigan at pamilya ko sa Santuario kundi pati na rin sa mga mabubuting kaibigan dito sa Bayan ng Nebel.

"Itong makulit kong kaibigan ay sa inyo muna. Ingatan ninyo siya at 'wag papabayaan," wika ko at habilin kay Nelmi na natutulog sa aking kamay. Si Asia ang kumuha sa kaniya.

"Ako na ang bahala sa kaniya," aniya saka yumakap sa akin. "Mag-iingat ka, Andress at bilisan mo ang pagbalik ah."

Wala mang kasiguraduhan kung kelan ay tumango na lamang ako.

'Kahit anong mangyari, babalik ako. Pangako.'

Nang makauwi sila Kuya Saturno ay bumalik na rin kami nila Lola sa bahay upang makapagpahinga. Masayang-masaya ako na nakasama ko silang lahat sa isang mahalagang gabi sa isang hapunan na tingin ko'y huli na muna... pansamantala.

Pagbalik namin sa bahay ay nakikipagsabayan pa rin ako sa kulitan nina Ama at Manong Gaper. Punong-puno ng tawanan ang buong bahay kahit na paulit-ulit na kaming nasisita ni Lola Gana na magpahinga na at 'wag ng mambulahaw ng mga kapitbahay.

"Tumigil na kayong dalawa kundi ay sa labas ko kayo patutulugin! Hala! Mag-asikaso na kayo bago matulog!"

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sina Ama at Manong Gaper na parang mga batang tumatango. Sabay-sabay kaming tumungo sa silid aming silid.

"At ikaw naman, apo, magpahinga ka na dahil mamaya ka na aalis, 'di ba?" ani Lola nang lumingon sa akin. Kasalukuyan niyang inaayos ang aking higaan.

"Opo, magpapababa lang ng kinain saka bakit po ba kayo ang nag-aayos diyan? Ako na po."

Tumayo ako at aagawin na sana sa kaniya ang pag-aayos ng aking higaan ngunit pinigilan niya ako at sinabihang maupo na lamang.

"Hayaan mo na akong gawin ito dahil sa mga susunod na araw ay baka hindi ko na magawa," wika ni Lola na katumbas ay sipa sa aking dibdib.

"Inay, bakit naman parang ang labas ay mawawala na sa atin itong si Andress? Eh maglalakbay lang naman siya. 'Di ba nga, Andress?!" wika ni Manong Gaper saka umakbay sa akin.

Ilang palihim na paglunok at paghinga ng malalim ang aking ginawa, maibsan lang ang unti-unting pagtaas ng tila batong nakabara sa aking dibdib saka ako humarap kay Manong at ngumiti ng pagkalaki.

"Opo, Manong," sagot ko bago bumaling kanila Lola at Ama. "Pansamantala lang naman akong mawawala. Nangako naman akong babalik dahil nandito kayo. Nandito ang pamilya ko at alam kong magkakasama-sama tayong lahat muli."

Pinilit kong ngumiti na walang bahid ng kahit na anong emosyon liban sa saya. Mahirap ngunit napagtagumpayan ko namang maitawid.

"Oh, 'di ba! Sandali lang mawawala itong Andress natin," ika naman ni Manong Gaper.

"Basta ay lagi ka lamang mag-iingat, Apo," sabi rin ni Lola bago ito lumapit sa akin.

Kinulong niya ang aking magkabilang pisngi at iniharap sa kaniya.

ANDRESSWhere stories live. Discover now