Ang Istenföld at Mga Terminolohiya ng Ka-ek-ekan

128 7 16
                                    


• • • I S T E N F Ö L D  • • •

     — Ang Lupain ng mga Bathala. Kilala ito ng ibang lupain sa katawagan na ito dahil ang kasaysayan ng malaking lupain na ito ay makulay at malalim. Maraming maliliit na bayan at baryo rito. Maraming mahihiwagang nilalang at lugar, may ilang mga Isla rin na nakapaligid. Sa kasalukuyan, ang Istenföld ay pinamumunuan ng Apat na pinakamalakas at malaking Bayan. [ After Andress timeline ]


     — Ang pangalan ng Kontinenteng ito ay mula sa Hungarian language na ibig sabihin ay "God of Land / God Land'. Kung bakit? You'll find out soon.


|| ANG APAT NA NASYON NG BAGONG ISTENFÖLD ||

    - Matapos ang Panahon ng Pilak ( panahon ni Andress ) ay nakamit sandali ng Istenföld ang kapayapaan at kaayusan kaya't nagawang maayos at maitatag ang bagong Istenföld na pinag-isa. Ito ay pinamumunuan at pinamamahalaan ng Apat na Nasyon o Apat na malalaking bayan sa bawat panig ng Istenföld.

     KANLURAN: BAYAN NG MÓRDOM [ The Biggest Land ] - Ang pinakamalaki at puno ng lahat ng bayan. Ito ang humahawak ng korona at nangunguna sa lahat maging sa tatlo pang nangungunang bayan. Nilusob ang bayan na ito ngunit pinagtanggol ng mga Biniyayaan [ Andekas ].  Makalipas ang Ilang taong katahimikan ay lumago ang bayan at naging pinakamalaking bayan sa lahat. Ito ang sentrong bayan ng kalakalan at ito ang namumuno sa Istenföld kasama ng tatlo pang bayan, ng Union at ng Santuario na paaralan at tahanan ng mga Andekas. Kilala rin ang Kanluran bilang "Lupain ng mga Biniyayaan" dahil nandito ang Santuario ng mga Andekas. ( Sanctuary of the Gifted ).

     • HILAGA: BAYAN NG BULLIS [ The City of Black Bulls ] - Ang pinakamalaking bayan sa Hilaga at ang pinunong bayan ng Hilaga, ito rin ang sumusunod sa Mórdom. Matatandaang ginawang pugad ito ng kadiliman kaya nasira ito matapos bawiin nila Andress kaya may ilan pa rin na kilala ang bayan sa madilim na pinagdaanan nito at kadiliman na hatid ng nakaraan. Itinayo itong muli sa tulong ng ibang bayan lalo na ng Bayan ng Mórdom. Kilala ang bayan na ito na mayaman sa mga pananim na mais at palay dahil mataba ang lupa sa Hilaga. Ipinangalan ito sa mahihiwagang nilalang, ang mga itim na toro ng kidlat o mga Bullis na matatagpuan sa kanilang kabundukan. [ Bullis from Latvian word means Bull ]

     • TIMOG: BAYAN NG ROCA [ City of Boulder ] - Ang ikatlong namumunong bayan at pinakamalaki sa Timog. Ang Bayan ng Roca ay itinayo muli matapos ang digmaan ( panahon ni Andress ). Dito na napiling manirahan ng angkan ng mga Biniyayaan na may kakayahang manipulahin ang elemento ng lupa, sila ang pinakanagtayo nito. Ang Timog ay maraming bayan na nahahati, bukod sa madaming mababatong kabundukan ay dito din ang daungan ng malalaking banga at barko. Bukod sa mga mayaman sa mga lamang-tubig ay kilala din ang bayan sa matitibay na kagamitan na gawa sa bakal at putik. Mahuhusay na panday ang meron dito. [ Roca from Spanish word means Boulder ]

ANDRESSWhere stories live. Discover now