CHAPTER 2

217 10 0
                                    

Chapter 2







Stress na stress ng makauwi si Olivia sa sariling pamamahay niya. Iritadong-iritado siya dahil sa nangyaring pagkapahiya sa kanya. Ilang matang nakakita sa nakakahiyang tagpong yun. Halos ibalibag niya ang designer bag niyang Christian Dior at pasalampak na humiga sa kanyang kama.

Nakakairitang napatitig siya sa magarbo at makinang na chandelier niya sa kisame. Bakit sa lahat ng nangyari sa kanya ang ngiti ng lalaking yun ay hindi mawaglit sa kanyang isip?

Bungisngis ito kong tumawa at talagang pati ang mga mata nito ay nangingislap kapag natitigan ka niya. Paano nalang kaya kapag ito ay nakangiti for sure aatakihin ka talaga sa puso sa dating at karisma nito kapag nakangiti na.......teka natampal ni Olivia ang noo niya.

Anong nagagwapuhan ba siya sa lalakeng yon? Magaganda at mapuputi lang ang ipin nito kaya napaka attractive nitong tignan. Tama. Ganun lang yon. 

She sight. Bago tuluyang humikab at mahinghing ipinikit ang mga mata.

It was so awful ending her day like that. But she can't hide the fact that it makes her heart flutters that moment he was about to help her na alisin ang stain ng kape sa designer clothes niya. 

Malay mo naman sinadya ka lang sabuyan nang champagne para makapag hokage moves sayo. Wika ng isip niya.

True. Totoo naman kasi lahat ng lalake dyan pervert. Nakakaasar nga mabuti nalang at mabilis niya itong napigilan. Sa ganda at kutis porsilana niyang balat panigurado gusto lang siyang manyakin nito.

Sa katunayan nga balak sana niyang magsisigaw kanina kaso ayaw niyang pagkaguluhan kaya pigil na pigil niya talaga ang sarili kanina. Umalis siya na hindi kasama ang assistant niya. Mabilis siyang bumaba ng building at nag maneho pauwi ng condo niya.

For her it was a disaster! And also a karma sa ginawa niyang pagpapahiya sa step brother niya. Tumagilid siya at kinuha ang remote control ng 64" bravia flat screen TV niya. Hihilata na lang muna siya sandali wala siya sa mood para gawin ang kahit na ano.

She scanned for random channels na matitipuhan niyang panoorin hanggang sa tumigil siya sa isang variety show. Naalala niya sikat ang variety show na ito mukhang kakasimula lang ng show. Swerte naman. Kaya susubukan niyang manood.

Agad nagpakilala ang mga host, kasabay syempre hindi maiwasang magkwentuhan at kamustahan yabangan ng suot na damit. Hanggang sa dumako na sila sa pagpapakilala ng mga Player na siyang maglalaro sa mga palaro nila.

Unang pinakilala ang babaeng nasa thirties na at may katabaan. Kasunod ang isa pang babae na slim at may pigura din naman kaso parang nasubrahan sa pulbo dahil namumuti ang pagmumukha.  Hanggang sa tawagin ng presenter ang last Player. Na agad nagpa kabog sa dibdib ni Olivia. Wala sa sariling napaupo siya sa kama. Malay ba niyang agad magtama ang mga mata nila mula sa telebisyon.

Napalunok siya. Lahat sigawan sa loob ng studio ng mag "hi" sa harap ng audience ang lalaking may mapuputi at pantay na ipin. 

Napa angat ang isang kilay niya ng may mag taas ng tarpaulin at nakalagay doon ang mga salitang SAMONTE WE LOVE YOU! ❤️❤️❤️ Kyahhhh!!! Sigawan ng mga manunuod at mga fanneys nito.

Wala sa sariling napatay niya ang tv. Anong nangyayari totoo ba yung nakikita niya? Bakit kahit sa TV andun yung lalakeng yun?

She telted her head. Ibang tao yun for sure baka nalipasan lang siya ng gutom.

Speaking of gutom, medyo umaaray na nga talaga ang mga alaga niya sa tiyan. Matapos makapagpalit ng damit she immediately went to her kitchen to scan for some snacks kasi yun lang ang alam niyang meron siya. She can't cook anything yun ang katotohanan. Ever since na bumukod siya madalas sa mga five star venician hotels na pagmamay-ari nila siya nag didinner at sa kahit saang hotels. Wala naman problema sa pambayad, of course she can afford. "Money is never an issue" that's her biggest motto.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon