CHAPTER 5

121 9 1
                                    



AGAD NAPATAYO si Olivia sa malapit na podium she is the next presenter. Irereport lang naman niya ang nangyaring Out Reach program for a Cause ng Team niya. She will also add details regarding sa pasahod ng Team niya.

"Good Morning. Isang magandang umaga sa lahat. Lalong-lalo na sa nagiisa at kagalang-galang kong Kuya na si Juan Miguel. Na ngayon ay kararating lang." Kitang-kita ang pagkunot ng noo nito. Hindi naman kasi nito inakala na iaanunsyo niya ang pagdating nito. Late na nga kasi ito. At hindi maganda sa isang leader ang nalilate.

She smirked. Tumikhim siya sandali bago nagsimula. "Mukhang napag-alaman ninyo kung gaano kaimportante ang outreach program ng Ramirez Group. We've been doing this ever since nabubuhay pa ang Grand Chairman," Which is ang nag iisa niyang lolo. "Ang layunin nito ay maraming matulungan at umaangat ang buhay hindi lang sa loob ng Ramirez Group kundi pati na rin ang ordinaryong mamamayan. Ngunit hindi nalalaman ng lahat ang sakrispisyo ng mga tauhang gumagawa at nagsisilbi para makapag-abot lang ng tulong. Magbibingibigihan nalamang ba tayo sa kanilang hinaing. Now I need your vote. Raise your hands kung sumasang-ayon na maamyendahan ang layunin kong ito."

Napangiti si Olivia ng makita ang sunod-sunod na pagtaas ng mga kamay ng BOD members. Ang kuya niya nanatiling nakatingin sa kanya. Nakatiim ang mga bagang.

"All your votes has been counted. And I believe sa inyong pagtitiwala siguradong makakarating sa mga empleyadong nangangailangan. " Sambit niya and to formally end her speech bago yumukod sa karamihan. She ended her presentation with a bow. Isang masigabong palakpakan ang binigay sa kanya ng makakababa sa podium.

Now she realized gaano nagtitiwala ang Ramirez sa kanya. Hindi pa huli ang lahat at mababawi pa niya ito.

Mabibilis ang lakad ni Olivia para makarating sa Elevator. Mabilis siyang nakapasok sa elevator. Aktong magsasara na sana ang pinto ng maramdaman ang kung sinong pagharang nito.

Napahawak siya sa puso niya. Napatingin siya sa nagngingit-ngit na pagmumukha ni Juan Miguel.

Napakunot ang noo niya ng magtama ang mga mata nila. "Anong ginagawa mo? " asik niya rito.

"Alam mo kung ano, at dahil sinimulan mo ito pwes hayaan mong ako ang tatapos. "At tumiim ang bagang nito pagkatapos ay iniwan na siya nito haggang sa sumara ang pinto ng elevator.

Hindi siya nakasagot. Dahil nakaramdam siya ng kaba. Wala sa sariling napasandal ang likuran niya sa elevator. Pababa na siya sa floor niya ng sandaling huminto ang elevator sa twenty fifth floor. Naramdaman niya ang pagpasok ng isang lalaking nakahelmet. Naka white long sleeve at apron sa bewang, ngunit sa tindig palang nito ay alam niyang may kakaiba rito. Isipin mo ba naman nakahelmet parin si kuya all the way sa taas. Mukhang kakatapos lang nitong mag deliver ng pagkain.

Hindi nakaligtas sa kanya ng magtama ang paningin nila sa malaking salamin sa loob ng elevator. Agad itong napaiwas na tila napapaso.

Napakurap tuloy siya at napaisip kung sa aling kitchen department ito naka assign. Dahil wala naman siyang naalalang pinagsusuot nila ng helmet mga waiters doon.

Tumikhim siya, "Pwede ba akong magtanong sa aling kitchen department ka? "

She tried to act normal. Dahil hindi ito  nagsasalita. Mukhang may disability pa ata ito sa pagsasalita. Hanggang sa pinakita nito ang order details kung saan ito nagtatrabaho.

Na realize niyang hindi ito nagmula o nagtatrabho sa kanila. Talagang mag nagpasadyang omorder at ito ang nagdeliver ng order.

Napatango na lamang siya at wala sa sariling napatingin sa likod ng helmet nito may King Shaman na pangalan doon.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon