CHAPTER 7

91 6 0
                                    


Kararating lang ni Nika sa restaurant na siyang sinasabing tagpuan nila ng boss niyang si Olivia. Hindi naman sa naninibago siya sa ganitong set up kaso ngayon lang kasi siya nakapasok ulit sa ganito karangyang five star restaurant.

Ang bilin nito sa kanya ay iaabot lang niya ang bagay na iyon sa taong uupo sa harap niya. Pero mahigit isang oras na ang lumipas ay wala naman umukupa ng silya niya sa harap.

Parang gusto na tuloy niyang umuwi. Ilang complementary drinks na ba ang nainom? Naiihi narin siya sa tagal ng kanyang pagiintay.

Ilang sandali ay napaling ang paningin niya sa lalaking matangkad na may makisig na pangangatawan na nakasuot ng mamahaling black business suit. Aalisin na sana niya ang mga mata mula rito ng mapansin ang tinutungo nitong table ay walang iba kundi ang sa kanya. Dahan-dahan nitong hinila ang upuan sa harap niya na tila isang eksena mula sa pilikula.

Napalunok siya. Tila nasa isang malaking kapahamakan siya aniya sa sarili niya. Di niya mapigilang isipin ang kanyang anyo sa oras na ito. Hindi naman sa mag mumukhang katawa-tawa siya kundi ay dahil nakapag ayos siya. Nasa tamang ayos siya. Isang mamahaling cocktail dress na alam niyang pasok na pasok sa uso ngayon. Ang dating buhok na palaging nakaterintas, ngayon ay nakalugay lang naman. At ang mga braces niya sa ipin na ayaw niyang tanggalin ay ngayon ay nagliwanag dahil sa pinalitan ito ng porcelain braces kung kaya hindi ito gaanong mahahalata.

Hindi niya tuloy mapigilang alahanin ang nangyari limang oras ang nakaraan.

Papasok pa lamang siya sa opisina ng biglang pumarada ang isang black mercedez sa gilid ng bahay nila. Di niya iyon pinansin noong una ngunit ng maglaon ay napakurap siya ng mamataan niya si Olivia ang boss niya panay kasi ang pag busina nito. Maloloka ata siya kaya nilapitan na niya ito at pumasok sa loob ng kotse nito.

"Ano pong ginagawa ninyo rito boss, "

"Sinusundo ka, ano ka ba Laura. "Napatingin siya ng wala sa oras sa aburidong pagmumukha ng boss niyang si Olivia.

Napailing siya ng tatlong beses. Ayan na naman ito. Mukhang nasa kapahamakan na naman siya. Kahit ilang ulit na pagtatama niya sa ngalan niya ay hindi talaga nito matandaan.

"Teka saan po tayo pupunta? " Talima niya kahit may hinala na siya sa mangyayari. Napansin kasi niyang ibang kalye ang pinasukan nila. Hindi ito ang daan papuntang office nila.

"Isang sorpresa Angie kaya umidlip ka nalang muna. " Nakangiti nitong tugon sa kanya habang abala ito sa pagmamaneho.

Wala sa sariling napalanghap siya ng hangin at napatingin mula sa labas ng kotse.

Mahigit apat na oras rin ang tinagal nila sa Mesa De Salon na pagmamay-ari rin ng boss niya.

Kasalukuyan niyang hinahagod ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin sa harap niya. Parang gusto niyang tumakbo at magtago. Siya ba talaga ang nasa salamin?

Napaka ganda ng mukhang nakikita niya ngayon sa salamin. Taliwas sa mukhang pinapakita niya sa buong madla mahigit tatlong taon narin ang nakaraan ng huli niyang makita ang pagmumukhang iyan. Na pilit niyang tinatago, kinakalimutan at nililibing sa ilalim ng lupa.

"Hindi ako makapaniwala sa pagbabago mo ngayon Jenny malayong- malayo, hindi kita nakilala."untag ni Olivia sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Gusto man niyang bulyawan ito ay pilit niyang pakalmahin ang sarili. Boss niya parin ito hindi siya magkakamali. Kahit na wala itong sinabi sa kanya na make over pala itong gagawin sa kanya.

Ganon na ba kasagwa ang pagmumukha niya para gawin ito sa kanya? Pipiksi na sana siya rito ng may inaabot itong portfolio.

Umigkas ang isang kilay niya at tinanggap ang folder. Kaagad niya itong binuklat para lang magulat ng makita ang biography ni Juan Miguel. From his birtdate, family tree, hobbies, sports and his ex's ay nasa folder. Ayaw niyang mag exaggerate sa harap ni Olivia pero ganon ito ka creepy. Kulang nalang picture nung fetus pa lamang nito ay isama niya sa lista.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon