CHAPTER 16

65 3 0
                                    

16

NGAYON lang ay naisipan ni Olivia makipag kita kay Allyson. Kailangan nitong ipagpatuloy ang ginagawa nito upang mahulog si Miguel kahit na anong mangyari.

Lumabas na siya mula sa condo niya ng mapansin ang lalaking nagpapagulo sa mga plano niya. Kailangan nga niya pala muna itong palayasin sa landas niya. Ngayon ay hindi nalang si Juan Miguel ang pinoproblemahin niya pati pala itong Samonte nato. Kailangan niyang mag isip ng paraan to get rid of him!

Huminga siya ng malalim bago ito nilapitan. "Anong ginagawa mo rito? Diba sinabihan na kitang day-off mo today. Bakit ka narito?" Magkatagpo ang kilay na tanong niya.

Sinipat muna nito ang relos bago siya nito pinansin. "Ipagpa umanhin po ninyo kagalang-galang na Olivia. Sa naalala ko ho araw po ng huwebes ngayon araw ng trabaho kaya po ako narito. Sa susunod na araw pa po ang day-off ko. Kaya mawalang galang na ho pumasok na ho kayo sa sasakyan ng maihatid ko na ho kayo sa trabaho ninyo. Malelate na ho kayo." Mahabang paliwanag ni Sam.

Pumiksi naman si Olivia at sinamaan ito ng tingin. "Magkalinawan nga tayo. Inutusan kaba ni mommy na buntutan ako?"Nangigigil na untag niya rito.

Kapansin-pansin ang pagngisi nito na tila nahulaan niya ang sagot sa tanong niya.

"Sinusunod ko lang ho ang kautusan ni Madam. Nag-alala po siya na baka may maghagis na naman po sa inyo ng kung ano sa, dahil sa taas ng tingin ninyo po sa sarili niyo."

Hindi siya makapaniwala sa tabas ng dila nito, pabalang siya nito kong sagutin. Napakagat siya ng husto sa ibabang labi sa panggigil niya. Kaagad siya nitong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan para makapasok na sa loob.

Hindi na niya ito pinanood at mabilis na pumasok sa likod na bahagi ng kotse. Dahil baka wala siyang matapos ngayong araw pagpinatulan niya ito.

Nang marating niya ang opisina ay kaagad niyang hinanap si Nika. May ilang minuto narin ang nakalipas ng maalala niyang pinag leave nga pala niya ito. Napahinga na naman siya ng malalim sa inis. Hindi niya talaga maunawaan at magkapatid pa pala talaga si Nika at Samonte. Napakahiwaga rin sa kanya sa paanong paraan hindi naman magkamukha ang mga ito. Sabagay hindi ibig sabihin na hindi magkamukha ay hindi na magkapatid.

Napapatango na lamang siya mula sa kaisipang yon ng makaramdaman ng dalawang magkasunod na katok.

"Bukas yan. "Aniya at sumalampak sa malambot na upuan. Kakatapos lang niyang mag set up.

"Kape po ninyo. "

Tumikhim nalang siya ng maipatong nito sa desk niya ang kape.

"Ah at ito naman ang inyong schedule ngayong araw. "

"Teka kanino galing to? At bakit ikaw ang nagtitempla ng kape? "

"Pinapaabot po ni Nicole. " Sambit nito sabay kibit balikat nito.

Tumango siya, "Salamat, you can leave. " Aniya.

Paalis na ito ng opisina niya ng maalalang may meet up siya with Allyson ngayong araw.

"May personal meeting ako mamaya. Huwag kanang mag abala kaya ko ng magmaneho mag isa. "

Pansin niya ang paniningkit ng mga mata nito. "Pinaalam niyo po ba sa mommy nyo yan Ma'am Olivia? "

"Bakit kailangan pang ipaalam sa mommy I'm old. Kaya ko na sarili ko." Then she dismissed him without a blink!

Ayaw niya talaga sa taong masyadong pakialamero. Kahit gaano pa ito ka gwapo. If he middle sa plano niya then she has no choice but to get rid of him. Kailangan na niya talagang makaisip ng paraan para mapaalis ito sa landas niya. She's getting so annoyed!



Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon