CHAPTER 18

84 4 1
                                    

18

PANAY iling ang ginagawa ni Olivia habang nagsisipilyo ng ngipin. Paano ba niya makalalimutan ang mga nangyari ?

Hindi siya makatingin ng deretsa sa salamin, dala ng sobrang kahihiyan. Nangangamatis ang buong pagmumukha niya sa tuwing maalala ang pangyayari habang nakatingin sa salamin.

"Nakakahiya, bakit ba kasi ako pumikit? "Aniya habang binabatukan ang sarili.

Naalala niya paano siya pumikit kagabi hanggang sa napamulagat siya ng mag iisang minuto na nga ay hindi man lang dumapo ang labi nito sa mga labi niya. Dahan-dahan siyang dumilat. Pansin niyang nasa labas na pala ito ng kulambo at kasalukuyang sinasaulo ang AMA NAMIN habang nakatalikod sa kanya.

Mabilis siyang napabangon ang siya namang pagharap nito sa kanya. Pansin niya ang pagkamot nito sa batok. "Ano masyadong gumagabi na. Alis na ako. "

"Sige ingat. " yon lang ang mga katagang nasabi niya.

Gusto nalang niyang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan niya dala ng pangyayari kagabi.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpasyang bumaba para mag almusal. Sinadya niyang tagalan ang pagbaba ayaw niyang makasabay si Samonte sa almusal. Sana tapos na itong mag-almusal.

"Oh Olivia , kamusta ang tulog natin?"

"Ah okay lang naman Manang. "Kahit hindi naman talaga siya maayos nakatulog buong magdamag ba naman siyang di makatulog. Dinadalaw siya ng hiya sa nangyari sa kanila.

"Naku dahil malapit nanga mag Desyembre hija medyo nag uumpisa na ngang lumamig ang simoy ng hangin. "

"Kaya nga ho Manang, "Aniyang nag-uumpisang himukab.

"Oh mukhang ina-antok ka pa ata hija?" Takang tanong nito sa kanya na nagpailing-iling sa kanya. " Ah naku hindi ho Manang malamig kasi ang simoy ng hangin. Ganito talaga ako pag presko at malamig ang hangin." 

Ngumito ito at tumango-tango sakanya. "Sabagay.." "Oh siya, pinagtempla ko na kayo ng kape dalhin muna itong isang tasa ako naman ay hinahanda ang iba. " Saka agad na inabot sa kanya ang basong kape na mainit na mainit pa nga."Andun si Samonte sa may siga. Magkwentuhan na muna kayo. "Nakangiting usisa nito.

Tinanguan niya lang ito habang dala-dala ang mainit na basong kape. Huminga siya nang malalim dahil nagsisimula na namang mag-iba ang ritmo ng nababaliw na puso niya. 

Kakarating lang niya ng mapansin ang siga sa gitna sa may malaking kawa.

Kasalukuyan pala nitong kinakausap si Mang Raul na nasa gilid nito.

Tumikhim siya para maramdaman ng mga ito ang presensya niya. Hindi naman siya nabigo dahil napatingin nga ito sa kanya. Pero ganon nalang ang hiya nila pareho ng magkatitigan sila sa mata ng bawat isa.

"Oh hija, bakit ikaw nag bitbit niyan. "

"Ah wala yon Mang Raul kaya ko naman. "

Saka naman iyon inabot ni Samonte mula sa kamay niya. Ingat na ingat siya na hindi magtamaan ang mga daliri nila.

"Nag almusal ka ba Hija?"

Umiling siya. "Hindi pa po eh."

"Aba'y ganon rin itong si Samonte, sabi niya mag sabay nalang kayo. " na sinabayan ni Mang Raul ng mahinang tawa. Pareho silang napatingin sa isat-isa dala ng malalang tawa nito.

He's eyes penetrates to hers habang dahan-dahan itong sumimsim sa kape nito. Naguluhan sandali si Olivia bakit nito ininom ang kape na dala niya? Parang luka-lukang nag alis siya ng tingin at itinuon ang titig sa bangin kung saan makikita ang foggy at kulay lilang kabukiran. Kakaiba talaga ang lugar na ito lahat halos dapuan ng mga mata niya ay kulay green. Kahit napapalibutan ang buong lugar ng log house bilang bahay bakasyunan na rin ng mga taga rito ay nanatiling mayaman sa kagahapon ang ancestral house nila. Nasa likod bahay sila ng mansyon may pinagawa pala si Dotor Revera na log house na siyang kinalalagyan nila ngayon. 

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon