CHAPTER 17

67 6 2
                                    

17

NAPAHINGA ng malalim si Olivia ng mamataan ang magagandang tanawin na nasusulyapan ng kanyang mga mata. Hindi niya akalain tuluyan itong ipinamigay ng dad niya kay Dr Rivera.

"Ouch!" Hiyaw niya. Napatingin siya ng masama kay Samonte dahil sa biglaang pag prino nito. Mas kinainis pa niya lalo ang hindi man lang pagsulyap nito.

"Ano ba dahan-dahan naman. " arirat niya ulit rito dala ng inis niya. Mabuti nalang talaga at may seatbelt siya. Damnnit!

Inirapan niya nalang ito ng wala siyang makuhang anumang reaksyon. Mabilis  siyang umigkas mula sa kotse. Minabuting lakarin nalang niya kaysa mapahamak kasama ito.

Matapos ang sampung minutong lakaran. Naalala niya limang taon ang nakaraan ng mamaalam ang dad niya. Dito nakahimlay ang daddy niya sa isang Private cemetery ng subdivision na ito na siyang kinatitirikan ng kanilang ancestral house.

Kaagad siyang pumasok sa musuliyo nang matuntun ang shrine ng mga Ramirez , habang abala naman si Samonte sa pag parada ng Land Rover.

Taon-taon niyang nakaugaliang bumisita sa himlayan ng dad niya. Hindi niya parin maiwasang maging emosyonal sa tuwing bumibisita.

Kaagad niyang nilagak ang bitbit na kandila at basket ng bulaklak. Sinindihan niya ang kandila at naupo sa bench sa Loob lang rin ng shrine.

Huminga siya ng malalim at pinagmasdan ang larawan ng daddy niya noong nabubuhay pa ito. Hindi niya akalain na ganun lang kabilis lumipas ang limang taon. Sariwa pa kasi sa kanyang alaala yung araw na siyang huling araw na pala na makakapiling ang ama.

Kung kaya't hanggat hindi bumabagsak si Juan Miguel ay hindi siya mangingiming hilahin ito pababa.

Hindi lang rin nagtagal ay lumabas na siya ng mosuliyo ng mga Ramirez. Hindi sinadyang mapadpad ang mga mata niya sa nag iisang lalake na kanina lang ay kamuntik nang  maging metsa ng katapusan ng buhay niya.

Kasalukuyan itong nakatunganga sa gilid ng Land Rover. Panay tingin nito sa matataas at matitikas na puno ng mahogany. And she can't help but admire the view. The man who she know only by his name. It looks like a stunning photocard of a man standang next to the car with a landscape of mahogany and pine trees at the back.

He's wearing a dark green jacket partnered with cargo trousers in Khaki Green and put on some white snicker shoes. Boom! Sadyang matikas at magaling itong magdala ng damit. Everything about him exudes beauty and perfection. From his messy fringe hair cut na lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nito. So much masculinity na kahit ito at ang land rover niya ay kakikitaan mo rin ng chemistry. Naaaliw na napapailing siya.  Malakas nga talaga ang appeal nito. Siguro kung agent siya ng isang agency baka iniscout na niya ito agad!

Minabuting alisin nalang niya agad ito sa isip. Naalala na naman tuloy niya ang pagkakataong ginamot nito ang dumugong kamao niya. Hindi lang ito gwapo but, he's also kind, romantic and sweet. Damn! She inhaled deep kasi he is walking green flag! Lahat ng qualities nito ay ang hinahanap niya sa isang lalake. It's not good for her, for heavens sake. Ayaw niyang ma fall rito.  A one sided love affair is bad. Knowing he has a wife and a kid.

Dahan-dahan niya itong nilapitan. Kapansin-pansin pulompon ng bulaklak na nakatago sa likod nito.

Sinundan lang niya ito hanggang sa huminto ito sa isang himlayan at inalay nito sa libingan ang bulaklak. Napatingin siya sa ngalan na naroon sa lapida. Katherine B. Sanchez- Born April 6,1990-died March 6,2022.

"Sino siya? " wala sa sariling tanong niya.

Kaagad namang napasulyap si Samonte sa kanya. "Kaibigan po ni Dr Keith." At walang pakialam na nauna ng umalis habang siya naiwang nakatulala sa ere. Kapansin-pansing will maintain ang libingan na yon. Mula sa marmol na lapida at sa buhay na buhay na bermuda grass na nakapaligid rito.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon