CHAPTER 15

93 8 4
                                    

15

KINILABUTAN si Olivia may ilang araw na rin siyang hinda makatulog ng maayos. Panay hikab ang ginagawa niya. Kasalukuyang nasa opisina siya ngayon ng mommy niya.

"How's your driver."

"He's fine naman Mommy. Why did you ask me to come by the way? " she asked straight to the point. Inaantok at nanunubig pa ang kanyang mata sa sobrang antok.

"I want you to visit Dr Keith Rivera ."

Napakunot siya at tiningnan ng masama ang mommy niya. "What? And who I'm gonna meet up with?"

"This is for your physical exam sweetie, and counseling. I know what you've been through this week. "

"Mommy I'm okay, wala pong masakit sa'kin." Giit niya.

"You're not okay, I'm sure wala kapang tamang tulog. You can asked him any prescription medication para magamot yang insomnia mo."

Hindi siya nakakibo. Aminin niya may reccurent insomnia nga siya. It was diagnosed when his dad passed away.

Huminga na lamang siya ng malalim.

"Dr. Keith Rivera is one of our resident Doctors. Siya ang isa sa mga maswerting recipient na nagmula sa lumang bahay ampunan. "

"He's a home grown?" Sarkastikong tanong niya.

Tumango tango ang mommy niya. "Yes. And he was here on our 70th Anniversary. "

Pinanlakihan siya ng mga mata. "He's a volunteer. After he finish his residency hindi ko na siya nakita. But pagnakausap ko siya ulit for sure makikila ko parin naman siya. That's why be good girl sweetie pag nakita mo si Doc. "

Tinaasan na niya ng tuluyan ng kilay ang mommy niya. Ibig bang saibihin magkasing-edad lang rin sila? Iniling na lang niya ang ulo. But why would she talk to a Doctor? She's fine like a fine wine.

Mabilis na niyang nilisan ang office ng mommy niya. Papalapit na siya sa office niya ng kamuntik na siyang atakihin sa puso dahil sa bilis ng pagbukas ni Nika ng pinto.

"Boss may problema po tayo. "

Pansin niya ang pagkakalukot ng mukha ni Nika.

Napakunot siya at dumeretso sa loob ng opisina ng mamataan ang kinaiinisang personal driver.

"What are you doing here? "

Napatayo naman kaagad si Samonte mula sa prenteng pagkakaupo. Hindi makapaniwala si Olivia na narito ito sa loob ng opisina niya.

"Kailangan po kitang ihatid sa inyong Doctor ma'am Olivia. " maginoong panimula ni Samonte bago siya kinindatan nito.

Hindi na siya nakakibo ng hablutin nito clutch bag niya sa Mesa. Paalis na sila ng lingunin nito si Nika.

"Mag-uusap pa tayo mamaya Nicole, " Naguguluhang napatingin si Olivia sa dalawa, napunta kay Samonte sunod sa assistant niya. Teka, anong meron sa dalawang to?




HABANG nasa daan papunta sa clinic ni Dr. Rivera, may natanggap siyang mensahe mula kay Nika na nagpatuwid sa kanya ng upo. Malalang napalingon siya ngayon kay Samonte. Hindi siya makapaniwala. Napalunok siya ng malala. Ano na ang gagawin niya paano kong matuklasan nito ang secret assignment ni Nika? Paniguradong patay siya. Napakagat siya sa ibabang labi habang panay ang tingin kay Samonte na abala sa pagmamaneho.

"Bakit? Ganon na ba ako ka yummy sa paningin mo? " na sinabayan nito ng mahinang pagtawa.

Napairap siya ng malala rito.

"Kanina mo pa kaya ako tinititigan ng ganyan. "

"Excuse me! Hindi kita type noh. Isa pa.... " Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil medyo sensitibo ang bagay na yon.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon