CHAPTER 10

83 10 0
                                    

NAPALUNOK si Olivia ng marating ang Mansyon nila. Hindi na siya nabigla ng sabihin sa kanya ng mga katulong na wala doon ang mommy niya. Hindi na siya nagulat. Pinaalam naman kasi nito sa kanya na wala ito sa Mansyon ngayon. Which is pabor naman sa kanya. Isa pa hindi naman talaga ito ang sadya niya.

Hindi na siya nag pa ligoy ligoy pa and ask the maids na gawan siya ng meryenda habang namamasyal siya sa library. May kailangan lang siyang kunin para sa next project nila ng kuya niya. That excites her so much!

Lumapit siya sa pasilyo kong nasaan ang papuntang library. Ilang saglit ay sigurado siyang wala ng matang nakamasid ay kaagad siyang umakyat sa magarbong staircase ng Mansyon. Nang makarating sa tuktok ay tinunton na niya ang daan papunta sa kwarto ng mommy niya. Sigurado siyang nasa silid nito ang bagay na hinahanap niya. Hindi siya maaring magkamali. Napansin na niya iyon noon.

Dahan-dahan niyang pinakiramdaman ang buong paligid. Nang makasiguradong walang tao. Kaagad siyang pumasok sa loob at sinarado ang pinto.

Natitiyak niyang mamayang hapon pa ang uwi ng mommy niya Kaya Malaya niyang mahahanap ang bagay na hinahanap niya. Agad niyang nakita ang vault sa gilid ng kama.

Ngayon ay alam narin naman niya ang code. First thing she tried the combination of her Mom's birthday, but it didn't work. Napaisip siya sandali. Hindi pweding pinalitan nito lang bago? Napalugmok siya sa sahig. Will she has to try her luck. Hanggang sa gamitin niya ang special code na naisip.

Suddenly she felt that "tick" sound. Nabuksan nga niya! Halos napatalon siya sa saya. She opened the vault at hinagilap ang envelope sigurado siyang nasa isa sa mga papers ang bagay na hinahanap niya. Hanggang sa nakita nga niya. Napansin rin niya ang mga mahahalagang alahas na dyamante ng ina pati mga importanting papeles at ang isang gamot na nagpabilog sa utak niya. Pero wala na siyang oras para mag isip ibinalik na niya ito sa dating ayos.

Agad niyang isinilid sa ilalim ng kanyang blusa ang envelope para hindi mahalata.

Mabilis siyang nakabalik sa library at nag umpisang mamili ng libro. Ilang minuto ay dumating ang katulong na siyang bitbit ang iniutos niyang meryenda. Tumikhim siya. "Aalis nalang pala ako. Hindi pa ba nakakauwi si Mom?" She played a well convincing bored look.

"Naku hindi ba kayo nasabihan? Nasa business trip po si Ma'am Senorita Olivia. " Lihim siyang nag diriwang sa kanyang isip.

"Sige na, sa inyo nalang yang meryenda. Bali huwag nyo na lang ikwento sa mommy na bumisita ako today, gusto ko lang kasi sana siyang isurpresa. Sa susunod na pagkakataon nalang. Sige aalis na ako. "

Hindi na siya nag aksaya ng oras kaagad siyang umangkas sa kanya Mercedes Benz at mabilis na pinasibad.

Napalabi siya ng malala sa tuwa habang inaalala ang ginawa niya nakaraang araw just for the sake of those pictures.

Ngayon nga nakikita na niya ang tagumpay. Habang pinagmamasdan ang mga pictures.

Matapos nga kasi niya iyong maipakita kay Nika ang laman ng envelope alam na niyang wala ng atrasan.

KARARATING lang niya sa mismong building ng mapansin ang malaking signage sa harap ng lobby. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Juan Miguel sa kanya na makikipag partner ito sa magaganap na anibersaryo ng Ramirez Group.

Sinipat niya ang relos at naalalang pinag Rest Day niya si Nika. Kailangan niya iyong gawin dahil uuwi ng Pilipinas ang tunay na Alliyah Cordova. Lingid sa kaalaman nito ang nangyayaring blind date nito sa kuya niya. Kaya kailangan niya itong makausap ng masinsinan.

Personal na kilala niya ang babae dahil dati na nitong crush ang kuya niyang si Juan Miguel. Kaso dahil sa nangyaring gulo limang taon ang nakaraan ay umiwas na si Alliyah sa kuya niya. Sa totoo lang ay kinabigla rin niya ang nangyari at sa paanong paraan napapayag ang mommy niya ma i-date nito si Alliyah Cordova? Ah basta naguguluhan parin siya pero mukhang maidudugtong niya rin ang mga tanong sa mga sagot.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon