CHAPTER 9

91 10 1
                                    

Chapter 9

"Boss saan tayo pupunta? "

Lulan sila ngayon ng Mercridz Benz nito.

"Text mo nga si Miguel, ayain mo ng date. "

Agarang namutla si Nika. "Ako talaga ang mauuna? "

"Syempre naman. Kilala ko ang kuya magrereply yan kaagad, malandi yon eh. "

Natahimik naman si Nika. Ewan ba niya bakit ang lakas ng tupak ng boss niya.

"Dapat mapag-usapan niyo na agad ang kasal. Para naman malaman natin kong may balak nga siyang pakasalan ka." Anito habang nagdadrive ng sinasakyan nila.

Napayuko si Nika. Hindi niya alam kong matutuwa o malulungkot sa mga iminungkahi ni Olivia.

"Okay lang yan. Kung ayaw niya sayo edi pilitin natin. Alam kong makukuha ka niyang mahalin Nicole" nakangiti na nitong sambit. Habang nasa daan parin ang atensyon.

Napalunok si Nika bakit ramdam niya ang sensiridad sa mga sinabi nito. Kitang-kita niyang maaring tutuhanin nga nito ang mga sinabi. Isa pa medyo nakagaan rin sa kanya ng loob ang pagtawag nito sa kanya ng buo niyang pangalan. Ibig sabihin singdikit na sila ng boss niya.

"Ayaw ko pong namimilit. Pag mahal po mahal. "Pagkuway turan niya. Ayaw lang niyang paasahin ang sarili.

"Ano ka ba Nika. Ang pag-ibig natutunan yan. Kailangan mo lang turuan si Juan Miguel."giit nito na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.

Iiling-iling lang naisagot niya. Malamang hindi pa nito naranasang magmahal kong kaya ganito ito mag-isip. Kung alam lang nito gaano ka komplekado ang pag-ibig.

Natutuliro na naman siya. Ayaw na niyang makipagkita ulit kay Miguel.

NAHIGIT ni Olivia ang mahabang hiningi matapos niyang magpark sa isang mall. Kakatapos niya lang idrop si Nika sa tagpuan nila ni Juan Miguel. 

Alam niyang hindi siya mabibigo sa mga plano niya. Ngayong alam na niya kong ano ang nililihim ni Nika. Kaya nga she hired her for that. She smiled mischievously. Well. Well. Well. She'll do anything to get rid of his hilaw na kapatid.

Ngapala, tinawagan niya ang may-ari na siyang seller ng vintage wine na pina order niya. Kinumpirma nga nito ang order receipt ngunit ayon rito ay bayad na ang naturang order. Wala na siyang pananagutan rito.

Sunod-sunod ang naging pag iling niya. Di pwede yon! Kailangan niyang makausap ang estrangherong yon. Hindi siya makakapayag na may pagkakautang siya sa iba.

As in never!

Kaya nga ba sa isang mall kaagad siya nagpunta. Ang sabi nung nakausap niya nandito daw sa mall na ito yung taong yon.

Talaga naman of all places? Kailangan niya talagang makisiksik rito? She hates crowded places.

Huminga siya ng malalim at nagsimulang maglakad. Naisip na niyang tawagan kaso cannot be reach ito. She's starting to get annoyed. Gusto niyang makipag meet rito sa isang restaurant to make it smooth and private kaso hindi ito sumasagot.

She started checking everywhere. Alam niyang madali niya lang mapapansin ang arrive ng lalaking yon.

Nakailang hakbang narin ang ginawa niya ng mapansin ang pamilyar na boses.

"Ma'am gusto niyo ba ng pabango? May free trial po kami and discount."

She arched her brow. Wala sa sariling hinarap ang pinangalingan ng malalim na boses. Napangiti siya ng magtama ang kanilang mata. Pero ganon nalang ang panlalaki ng mga mata nito sa gulat ng makilala siya nito. Tila nakakita ito ng masamang pangitain.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon