CHAPTER 14

116 5 0
                                    

14

"GINAGABI kana yata ngayon pag-uwi?" Napalingon si Samonte sa lalaking nakatayo sa may gilid ng poste.

Kapansin-pansin ang pagiging aligaga nito. Sa dami ba naman ng lamok pumapapak rito. Malamok kasi ang side ng pinagparkingan nito ng kotse.

Napakunot siya. "Keith, ikaw ba yan? "

"Sino pa nga ba? "Bago nito ipinilig ng magkasunod ang ulo.

Kaagad silang nagpalitan ng fist bump sa isat-isa ng saktong makalapit si Samonte rito. "Grabe tagal na pala hindi natin nagkita kamusta pagpapare? " Anito na nagpakislap ng sobra ng mga mata nito. Napatiim bagang siya diridiritsang pagtatanong nito.

Tumikhim siya. "Ayon maayos naman. Eh ikaw kamusta buhay doctor? " Sabay siko niya sa braso nito.

"Parang baliw to, going well naman medyo nasasanay na nga ako. "Pagbibiro nito na sabay nilang dalawang pinagtawanan.

"Kaso may dinidate kana ba? "Tanong ulit nito.

Napatingin siya sa kuryusidad ng tanong nito? "Ano? Pano mo nasabi pagpapare ang gusto kong adbokasya. " Angil niya.

"Ikaw pa sa dami ng mga babaing bumubuntot sayo. May kasama ka ngang chics nong Anniversary ng Ramirez Group. Andun ako eh kaso busy ako sa pasyente ko. Kukumustahin sana kita kaso abala ka sa babae mo. " Sabay tawa nito.

Napapailing na sinabayan niya ng tawa ang sinabi nito. "Tinext o di kaya tinawagan mo sana ako napakilala sana kita. Ikaw talaga nag doctor ka lang ganyan kana sa mga babae. "Pagkakamot niya sa may batok niya.

"Bro naman kilala mo ko isa pa wala namang masama tumikim ah, bakit bawal ba? " Inirapan nalang niya ito at umaktong gugulpihin. Iniwan na niya ito. Sadyang babairo si Keith yon ang bagay na ayaw niya sa matalik na kaibigan.

"Oy Samonte wag mo naman akong gugutumin noh. Kanina pa kaya kita inaantay rito, tag along mong dumaan. "Pagmamaktol na saad nito parang patay gutom. Eh sadyang mas nakaka-angat naman ang buhay nito kaysa sa kanya.

Napataas na talaga ang kilay niya sa pag-uugali nito. "Oh siya, saan mo ba gusto? "

"Yan ang brother ko. Syempre sangyup tayo bro. " Pigil na pigil ni Samonte ang mapairap kay Keith habang abala ito sa paglantak ng lahat ng in-order nila.

May malapit rin naman kasing sangyupsalan na nadaanan nila. Hindi naman siya nabibigla sa pag-uugali nito sadyang nasanay narin siya.

Isa pa masaya siyang makita na minamahal naman nito ang pinagka-kakabalahan nito.

"Samonte kumain ka naman. Saka muna siya isipin. " bago siya nito sinubuan ng tinuping lettuce na may lamang karne.

"Salamat ha. " sambit niya na punong-puno ng sarkasmo. Di nga niya maitikom ang bibig dahil sa buong lettuce na isinaksak nito sa bunganga niya.

"Hahahaha, kaya mahal na mahal kita Samonte eh, " inikutan lang ito ng mata ni Samonte.

"Hindi kana naman ata busy at nagagawa mo na akong asarin. " sambit niya ng malunok lahat ng tinuping lettuce.

"Yon nga busy talaga ako, sumaglit lang talaga ako rito. Na miss kasi kita bro. "

Ipinilig niya ang ulo at nagumpisang mag tupe ng lettuce na sinamahan ng karne. "Alam ko , na miss mo lang akong bwisitin eh. " magsasalita sana ito ng saktong isubo niya ang tatlong buong tupe ng lettuce sa bibig nito na hindi niya alam paano nagkasya sa bunganga nito.

Halos mawalan siya ng hininga dahil sa pagtawa. Lalo na nung kamuntik nitong maisuka ang mga kinain nito. Paborito talaga nilang asarin ang bawat isa bata palang sila.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon