CHAPTER 11

67 7 1
                                    

PAWISAN pareho sina Samonte at Olivia matapos parehong lantakan ang nilutong sinigang. Hindi niya mapigilang hindi kiligin sa pagiging gentleman nito.

My god kiligin talaga?  Pero mensan napapaisip rin siya kong anong pakiramdam ang may iniibig? Hindi pa niya kasi nararanasan ang umibig.

Pero sa isang banda hindi niya maiwasang sambahin ang cooking skills ni Samonte. Napakasarap ng pagkakaluto ng sinigang.

"Grabe busog. " magkasabay nilang sambit. Hindi niya alam pero pareho silang napangiti.

Kaagad rin niyang pinindut ang tv sa harap nila, agad ay ang variety show ang kumasa sa telebisyon kung saan nakita niya noon si Samonte.

"Napanood nga pala kita dyan noon. "Aniya.

Napakunot si Samonte, "Talaga? Fan girl na ba kita? "

Napatulala naman si Olivia. Pero hindi nalang siya nagsalita. Iwan pero bakit hindi niya makuhang maging masama ngayong kasama niya ito? Syempre ito ang nagluto ng inulam nila kaya dapat lang maging mabait. Katwiran niya sa isip.

May itatanong pa sana siya kay Samonte ng biglang mag ring ang phone nito.

"Hello. Okay po pauwi na. " sabay in-off ang tawag.

"Girlfriend mo ba yung tumawag? "

Napangiti naman si Sam. "Hulaan mo? "

Kumunot siya. Pansin niya ang pearly white smile nito na nakapaskil sa mga labi ngayon lang. Hindi niya maiwasang mapatulala. Aba't inaasar ba siya nito?

Pero natawa lang ito sa naging reaksyon ng mukha niya. "Nanay ko yong tumawag. "

Napahinga naman si Olivia. Hindi niya mawari tila ay nabunutan siya ng tinik. Ewan ba niya parang naging komportable siya sa sarili niya habang kasakasama si Samonte. Which is not good for her.

"Ano mauuna na pala ako. Salamat sa hapunan. "

"Wala yon, sige ingat. " tinanguan niya lang ito at mabilis na sinara ang pinto. Mukhang di maganda ang ma expose sa taong kagaya nito.

Pinakiramdaman niya ang sarili bago sumampa sa malambot niyang sofa. Bakit parang gusto niyang maglupasay na parang Ewan. Siya talaga yung kanina? Hindi niya maunawaan ang sarili. Never in her intire life na nagpapasok ng iba sa condo niya.

Napatulala na lamang siya habang pinagmamasdan ang mamahalin niyang chandelier niya sa taas.

Hindi niya dapat ito maramdaman. She enhale exhale para matapos na balik na naman siya sa dating siya.

KAKAGISING pa lamang ni Olivia ng makatanggap siya ng tawag mula sa mommy niya.

"Mom? "

"Hi sweetie remember what day is it?"

"Yes Mommy. "

"See you sweetie. "

Agad na niyang pinatay ang tawag. Katatapos lang niya ring mag shower kaya mamimili nalang siya ng susuitin. She decided to wear a white suit na tenirnuhan niya ng white coat. She also tangled her hair. Looking heavenly sa kanyang suot. Gorgeous as always ng muli niyang masipat ang sarili sa malaking salamin.

Hindi narin siya nag aksaya ng oras and grabbed her white clutch bag. Alam niyang ngayon ang 70th anniversary ng Ramirez Group. Kaya ginandahan na niya ang pagpresenta sa sarili. Aawra siya today. Marking her territory, she is the legal granddaughter!

Mabilis siyang nakarating sa mansyon. Alam niyang may malawak na grand party ngayon na idadaos doon. Kaya minabuti na niyang sa kaliwang parte siya gumarahe. Pababa na sana siya ng kotse ng masaksihan ang nakakapanindig balahibong tagpo.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon