CHAPTER 12

62 8 3
                                    

HINDI namalayan ni Olivia na nakatulog pala siya buong byahe. Hinayaan nalang niya si Samonte ng magpresinta itong magmaneho sabi nito may pupuntahan daw sila. Total bayad naman niya ang buong araw nito.

Nagpalit nga sila ng pwesto ito ang nagdadrive ng mapansin niyang nakahinto na sila.

"Nasaan tayo? " tanong niya kaagad. Nakatulog pala siya? Inayos niya ang sarili mahirap na baka may tumulong laway sa kanya.

Pansin niya ang pananahimik ni Samonte. Ilang sandali ay tumikhim ito at pumaskil ang nakakahawang ngiti na nagbibigay liwanag sa ka pogian nito.

Hindi niya maunawaan pero may parang kung anong daga ngayon sa dibdib niya. Nagpapalpitate ba siya? Kaya huminga siya ng malalim.

"Gising kana pala, "narinig niyang sagot ni Samonte, but she was out of comprehension. Nakatingin lang siya sa mukha nito. Sa mamula mula nitong noo, pisngi at tungki ng ilong. Sa makapal pero malinis nitong kilay. Sa mahaba nitong pilik mata. Sa matangos nitong ilong, sa mapula nitong labi at sa mata nitong kulay brown na nagpaigtad kay Olivia sa gulat dahil kanina pa pala siya nito tinitingnan habang pinagsasawaan ang kapogiang taglay nito.

"Mukhang nag enjoy ka kakapanood sa akin? " He said with a mischievous smile on his face. Pakiramdam ni Olivia tinakasan siya ng dugo sa mukha dahil sa pagkakahuli nito sa kanya. Lalong lalo na at sobrang pogi pa nito ngumiti.

"Hindi kita pinapanood ha. Bakit ko naman gagawin yon? " syempre siya pa ba? Hindi niya hahayaang mapahiya sa harap ng isang gwapo.

Umurong siya ng kunti para buksan ang pinto ng marealize na nakalock pa pala ito.

"Buksan mo. "

Kitang-kita niya paano gumalaw ang adams apple nito.

"Teka nga Samonte nasaan tayo, saan mo ko dinala? "

"Lahat ng nakikita mo ngayon ay pagmamay-ari ng Ramirez Group. Lahat ng mga batang ito ay buwan buwan sinusustintuhan ng inyong pamilya. Kaya dapat maging proud ka sa sarili mo. "

Napalunok si Olivia sa nalaman niya. Mula sa nakikita niya nasa sinaunang panahon ba sila? Bakit nasa toktok sila ng burol kung saan may malawak na gusali na tila magkasing pareho ng desenyo ng sinaunang istraktura?

"Lahat ng lupain na naabot ng mga mata mo ngayon ay pag-aari ng pamilya Ramirez na siyang nagsisilbing bahay ampunan , tirahan ng mga walang-wala sa buhay. " nakangiting salaysay nito sa kanya.

Hindi makapaniwala si Olivia panay lunok lang ang ginagawa niya. "Historian ka ba ng pamilya namin? " pambihira hindi naman kasi siya na inform. Isa pa alam niyang maraming charity affairs ang pamilya nila pero hindi ganito kalawak ang nalalaman niya. She couldn't help but feel proud to her great Lolo.

"Tara pasok tayo sa loob. "

Napatango siya na medyo may pagdadalawang isip kong tutuloy sa loob. Para kasing hindi pa siya handang kilalanin ang mga ito. Isa pa pakiramdam niya hindi siya naangkop sa lugar.

"Samonte."sigaw ng isang may edad ng Ginang. May katabaan ito at may suot na holy cross. Kaagad naman itong  sinalubong ni Samonte at nagmano rito.

Tahimik lang si Olivia habang nanonood sa kanila.

"Kamusta kayo rito sister? "

"Ito maayos naman. Akala ko sa susunod na linggo pa ang dating nyo. "

"Ah-eh naisipan lang namin dumaan."

Pansin niya ang pagtitig ng Punong Madre sa kanya. Tila naman nahihiyang ipakilala ni Olivia ang sarili. Kaya inunahan na ni Samonte ah Punong Madre, "Kasama ko nga pala ang Unica Hija ng Ramirez Group si Olivia Ramirez. "

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon