Prologue

176 4 0
                                    

"Tulong! Please help my child!," sigaw ng
isang ina mula sa isang emergency room ng ospital. Isinugod nito ang kanyang anak dahil ilang linggo nang pabalik balik ang lagnat sabay nananakit pa ang mga buto nito na halos hindi na ito makatayo. Sa kasalukuyan, ilang mga nurse na ang mga dumadaan at nagpapabalk balik sa hallway, tila maraming pasyente ang inaasikaso ngayon ng ospital. Umaasa ang ina na sana ay may makapansin sa kanila dahil naaawa na ito sa kalagayan ng kanyang anak. Makikita sa kalagayan ng bata na siya ay nanghihina at nahihirapan, mapapansin din ang pamumula ng kanyang mga pisngi at ilong na maaari na ring maikumpara sa kapulaan ng kamatis. Bukod sa kakaiyak nito, namamaga rin ang kanyang mga mata dahil ilang linggo nang itong walang tulog.

"Masyadong maraming pasyente dito, hindi tayo kaagad maasikaso ng mga nurse. Pero sigurado ako na nasa tamang ospital na tayo, malalaman na natin ang totoong sakit ng anak natin," sambit ng kanyang asawa upang mapagaan ang loob nito.

Abala ang lahat ng tao sa paligid, maraming nurse ang nakakakalat habang binibigyang paunang lunas ang mga pasyente. Sa dame ng pasyente sa emergency room ay natataranta narin ang mga doktor kung sino sakanila ang dapat unahin.

Ang kanilang anak ay kasalukuyang naka upo lamang sa wheel chair, tahimik at hinang hina. Kahit siya mismo hindi na maintindihan ang nararamdaman niyang sakit at panghihina ng kanyang katawan, pakiramdam niya ay bibigay na ang buong katawan niya.

Kalaunan ay akala nilang lagnat lamang ito na naging trankaso kaya hindi nila ito gaano ikinabahala pero habang tumatagal, hindi parin bumubuti ang kondisyon nito kaya pina check-up nila ito sa doktor.

"Mr. and Mrs. Avondal, According to the lab results, may dengue po ang anak ninyo. She needs to be admitted today and treat her with proper medication," paliwanag sakanila ng doktor. They we're both shock of what the doctor said. Hindi sila makapaniwala na mag kaka-dengue ang anak nila dahil palagi lang naman ito nasa loob ng bahay.

"I don't understand dok, hindi po halos lumalabas ang anak namin and we always make sure that the whole house is clean and well disinfected. Saan naman makukuha ng anak ko ang dengue?," pag alma ng ina sa doktor.

"I'm sorry Mrs., but dengue really does come out even though your child doesn't go outdoors. Posibleng sa school niya ito nakuha or sa tuwing namamasyal kayong magkakasama", paliwanag naman ng doktor. Napasapo na lamang sa noo ang ina at hinawakan ang kamay ng kanyang anak.

"I still have doubts on what you were saying dok, babalik nalang po kami sa ibang araw. Thank you for your time," pamamaalam ng ama sa doktor. Inalalayan na nito ang kanyang anak palabas sa silid ng doktor habang nakasunod ang kanyang asawa sa kanila.

"Bukas na bukas, pupunta na tayo sa Manila para doon na siya patingnan at kung sakaling kailangan talaga sya i-admit," sabi ng ama habang ito'y nagmamaneho.

Tiningnan naman ng ina ang lagay ng kanilang anak mula sa likod ng kotse at nakita niya kung gaano na kahina at kapayat ang kanilang anak.

"M...Mom?" bulong ng bata.

"Yes, anak? May masakit ba sayo?," marahang inabot ng ina ang kamay ng kanyang anak at hinimas ito.

"Masakit po yung d..dibdib ko," itinuro ng bata ang bandang gitna ng kanyang dibdib at agad naman nag alala ang kaniyang mga magulang.

"Zole laksan mo ang loob mo ha, nandito lang kami ni Daddy. Conner, dumiretso na tayo sa Manila ngayon na. Ipapasunod ko nalang kila yaya yung mga gamit natin doon," utos nito sa kanyang asawa. Tumango naman ito at mas binilisan ang pagmamaneho.

Nakita ng isang nurse ang lagay ni Zole kaya kaagad niya ito nilapitan at tinignan ang lagay nito.

"Ma'am and Sir, possible po na may Lupus ang anak ninyo. Butterfly rash po ang tawag sa redness niya ngayon sa mukha. Mukhang on flare po siya kaya nagkaroon na po siya ng rashes na yan. Irerefer ko po kayo sa Rheumatologist namin dito, she's also a pediatrician nasisiguro ko po na magagamot niya ang anak niyo," paliwanag ng nurse sakanila.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now