Chapter 09

23 1 0
                                    



Inaayusan na ko ngayon ng hair and make up stylist na pinapunta ni Mom dito sa bahay para ayusan kaming dalawa. Tonight is Skylar's Dad 50th Birthday Party, sabi ko nga kay Mom huwag na mag papunta ng mag aayos dahil kaya ko naman ayusan ang sarili ko but she insist, hindi talaga nakikinig 'yon kahit kanino.

Inimbitahin din pala sa party si Alexie kaya susunduin daw niya ko dito mamaya para sabay na kami.

Light make up lang ang pinalagay ko dahil ayoko nga ng makapal, inayusan naman ng isa ang buhok ko. She just put it up in a messy bun at kinulot ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng aking tenga. She secured some strands with a hairclip at inispray-an ng hairspray para hindi ito magulo.

"Ang ganda ganda niyo po ngayon Maam Zole! Sigurado po ako tutulo laway sa inyo ng boyfriend niyo pag nakita niya kayo," Pagpuri sakin ng stylist kaya natawa ako
at napailing.

"Thanks for the compliment, magbibihis na ko ah," Sagot ko nalang at tumayo na para maisuot ang gown na susuotin ko. Tinulungan narin ako ng mga stylist na magsuot. Sinuot ko narin ang silver stilettos heels ko na katamtaman lang ang taas. Ayoko rin nagsusuot ng matataas dahil mabilis nga mangalay ang mga paa ko. Sakto namang pumasok na si Mom sa loob ng kwarto, nakaayos narin siya ngayon. She's wearing a black off shoulder long fitted gown na may kaunting slit din just below her knees. Her hair is also styled in a bun pero neat look ang kanya.

"The stylist did a great job on you my Zole! Mas lalo kang gumanda sa itsura mo ngayon. Alexie will drool over you for sure," Pagpuri sakin ni Mom at hindi ko na lamang 'yon pinansin at sinuot ang hikaw na isusuot ko to match my look.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hinawakan naman ni Mom ang balikat ko habang nakatingin din siya sakin mula sa repleksiyon namin sa salamin.

"I'm happy for you anak, sana si Alexie na talaga ang lalaking para sayo," She said and I smiled at her.

"I hope so too, Mom." I answered.

May kumatok mula sa pintuan at bumungad samin si Yaya.

"Naghihintay na po si Mr. Avondal at Sir Alexie sa baba mga Maam," Pagtawag niya samin, kinuha ko na ang clutch at nilagay 'don ang phone ko.

"Oh okay, lets go anak?" Anyaya sakin ni Mom at tumango naman ako.

Habang pababa kami ni Mom ng hagdan ay naririnig nanamin ang tawanan ni Dad at Alexie sa baba. Naagaw namin ang atensiyon nila ng malapit na kami makababa ng hagdan. Dad is wearing the suit na pinili ni Mom para sakanya, his wearing a black blazer that matches his black slacks and brown leather shoes. Naka polo siya na puti sa loob with a matching neck tie. His hair is neatly styled as well.

Nagawi naman ang tingin ko kay Alexie. He's also wearing a suit tonight pero wala siyang neck tie, nakabukas ang ilang butones ng panloob niyang polo revealing his bare chest which suits him so well. His hair is styled a bit messy na talagang staple look na niya simula ng una kaming nagkita.

I smiled to him at nagtaka naman ako ng nanatili lamang siya nakatitig sakin kaya pumitik ako sa harap niya para matauhan siya.

"Sabi ko naman sayo anak, Alexie will drool over you pag nakita ka niya. Pagtapos ng party iuwi mo 'to agad Alexie ah, baka ideretso mo siya sa condo mo," Puna ni Mom sakanya at medyo natawa naman si Alexie at napakamot sa kanyang batok.

"O..Opo Tita don't worry. Shall we, Zole?" Alexie offered me his hand at tinanggap ko naman 'yon. Sabay sabay na kami lumabas ng bahay pasakay sa mga kotse na sasakyan namin. Si Dad at Mom ang magkasabay together with their driver at ako naman ay sa kotse na ni Alexie sasabay. Pinagbuksan niya muli ako ng pinto at kaagad naman siya umikot para makasakay narin sa drivers seat. Isinukbit ko narin ang seatbelt sa sarili ko bago pa man niya ko sabihan na isuot 'yon. Hindi pa niya pinapaandar ang kotse kaya nagtaka na ko at napalingon na sakanya, nakatitig parin pala siya sakin hanggang ngayon kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now