Chapter 07

24 1 0
                                    



"Really!? He did that!? Gosh Zole mabuti at hindi ka hinimatay sa kilig 'don! Like, isang Nolan Gianni Colleymore naka topless sa harap mo at ininuman pa ang tubig mo. Sana all bes!" Skylar giggled at napasapo na lamang ako sa noo ko habang nakahiga sa kama. Magkausap kami sa phone ngayon at nakwento ko ang ginawa ni Nolan kanina.

"Anong sana all pinagsasabi mo? Type mo ba si Nolan?" I asked.

"Of course not! I mean the gestures that his doing towards you. Kung wala talaga siyang Fiancée ngayon iisipin kong gusto niya makipag balikan sayo," She said at napakunot ang noo ko.

"That would be impossible Skylar, his acting cold towards me... It's obvious na napipilitan lang siya pakisamahan ako para sa trabaho,"

"Girl, yung ginawa niya sayo kanina sa tingin mo cold treatment 'yon? Just don't let your guard down. Believe me Zole, hindi malabong may nararamdaman pa sayo si Nolan." Paalala niya sakin.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. What if he really still has feelings for me? Ako kaya? May nararamdaman pa ba ko sakanya?

"To be honest Zole, I don't understand kung bakit gusto mo makipaghiwalay sakanya noon. So what if your sick? Kilala ko si Nolan, he wouldn't dumped you just because may sakit ka. Hindi mo naman ginusto na magkasakit ka ng ganyan. Don't you think mas nasaktan mo siya ng sinabi mong may mahal ka ng iba?"

That struck to my mind. Napabuntong hininga na lamang ako. Mali man o tama ang ginawa kong desisyon noon, I can't turn back time to make things right. Nangayari na. Tapos na. Tapos na kaming dalawa.

"Alam mo bang araw araw ako tinatawagan  ni Nolan noon simula ng lumipat kayo sa America? Pero sabi mo huwag ko ipapaalam na doon kayo pumunta dahil susundan ka niya," She added kaya napapikit na ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ngayon sa puso ko.

"Hindi madali para sakin na hiwalayan at iwan siya, Sky. You know how much I love him, pero ewan ko ba... mali nga ba ko? Mali ba na isipin ko na mas sasaya siya sa iba? If my decisions are wrong, then wala siguro siya sa posisyon niya ngayon. Look how successful he is right now, sa tingin mo maabot niya 'yon kung kami parin hanggang ngayon? Magiging pabigat lang ako sa buhay niya Sky, ayoko non." I said.

"Naiintindihan ko na concern ka lang din kay Nolan kaya mo 'yon ginawa. Pero sa tingin ko, maaabot din ni Nolan ang success na meron siya ngayon kung kasama ka niyang inaabot ito. You didn't saved his freedom Zole, you wrecked his happiness..."

A tear escaped from my eyes the moment I heard her words. Damn, I really did the wrong decision didn't I?

"Why are you saying this to me?" I asked.

"Dati ko pa sinasabi sayo 'to Zole, ayaw mo lang talaga ako pakinggan at paniwalaan. Now your suffering the consequences of your decision, at nasasaktan akong nakikita kang unti unting nagsisisi sa maling desisyong nagawa mo..." She confessed.

"Your right, maybe I was really wrong. Pero nangyari na Sky, he's marrying someone else. I just wish for his happiness with the girl." I wiped my tears and calm myself.

"Magpahinga ka na Zole. I'll see you at my Dad's party, okay?" She reminded.

"We will, Bye." I ended the call.

***

"Anak, what do you think of this one? This looks good on you," Tanong sakin ni Mom habang may hawak na long gown. The color of the gown is maroon, sleeveless ito at medyo backless, may slit din ito na hanggang above the knee.

I smiled towards her at kinuha na lamang ang dress para masukat. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sakto lang ang dress sakin, it's also fitted kaya kita ang kurba ng bewang ko. Lumabas ako ng fitting room at nakita ko ang pagkamangha sa itsura ni Mom. Napapalakpak pa siya sa tuwa.

Loved Behind the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon