Chapter 08

23 1 0
                                    



"Sigurado ka bang ipapakilala mo na ko sa parents mo? Feeling ko namamanhikan na ko ngayon ah," Alexie asked at napasapo pa sa batok niya. Nasa loob kami ngayon ng kotse niya at nakaparada ito sa tapat ng bahay namin.

"Bawas bawasan mo yang pag ka feelingero mo, hindi pa tayo nagtatagal ng isang araw kasal agad nasa isip mo." Sagot ko at tumawa naman siya.

"I'm just teasing you. Pero kinakabahan talaga ako harapin sila, baka kainin ako ng buhay ng tatay mo. Ayoko pa mamamatay Zole, papakasalan pa kita." He said kaya napairap nanaman ako. Parang gusto ko na agad makipaghiwalay sa lalaking 'to ah.

"Hindi nangangain ng tao ang Dad ko Alexie, halika na nga at tutulungan ko pa si Mom magluto ng hapunan. Huwag ka muna kabahan at wala pa naman si Dad sa loob," Pag amin ko kaya nanlaki ang mata niya.

"Damn! Halos atakihin na ko sa puso dito sa kaba tapos wala papala Dad mo sa loob!? Sinasadya mo ko pakabahin noh?" He said kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. Siya naman ay ang sama ng tingin sakin. Napatigil naman ako sa pagtawa ng mabilis siyang nakalapit sakin at hinalikan ang labi ko. It was just a smack at wala akong karapatan magalit dahil he's my boyfriend now.

"Pumasok na nga tayo sa loob, baka halikan kita ulit. Bitin pa ko Zole," He said at lumabas na ng kotse niya. Umikot siya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto kaya kaagad naman ako lumabas.

"Good evening po Maam... At Sir, may kasama ka pala Maam Zole ang pogi po ah," Pagbati samin ng isa naming kasambahay kaya nginitian ko na lamang siya.

"Sabi ko sayo gwapo ako eh," bulong sakin ni Alexie kaya sinikuhan ko ang tagiliran niya at medyo napangibit naman siya, hindi naman masakit yung pagkakasiko ko sadyang OA lang talaga siya.

"Nasa kusina na ba si Mom?" Tanong ko kay Yaya at tumango naman siya.

"Opo Maam, nag gagayat na po ng mga rekados," Aniya kaya nilapag ko na ang bag ko sa may sofa at pinuyod ang buhok ko.

"Dito ka muna Alexie habang nagluluto kami ni Mom sa kusina, mamaya na kita ipapakilala sakanya pagtapos naming magluto," Sabi ko.

"Baka may maitulong ako sa inyo?" Alok niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Marunong ka magluto?" Tanong ko.

"Hindi,"

"Then stay here, kaya nanamin ni Mom 'yon. Yaya pakibantayan po ang batang ito, baka makabasag," Utos ko kay Yaya at napa awang naman ang bibig niya sa sinabi ko.

"Hindi ako bata! I'm your freaking boyfriend Zole!" He shouted back at palihim na lamang akong napangiti sa reaksiyon niya. Nakita ko si Mom na abala na sa pag gagayat ng mga rekados. Nagpapakulo narin siya ng karne sa kaldero.

"Ano po matutulong ko diyan Mom?" I asked.

"Nandito ka na pala, paki tignan yung karne kung malambot na ba," Utos niya kaya kaagad ko naman nilapitan ang kaldero kung saan pinapakuluan ang karne. Kumuha ako ng tinidor at tinusok tusok ito sa karne at naramdaman kong malambot na ito kaya hininaan ko ng kaunti ang apoy mula sa stove.

"Malambot na po ang karne Mom, gagayatin din po ba ang mga 'to?" Tanong ko habang tinuturo ang mga gulay na nakapatong sa kitchen isle. Tumango naman siya.

"Oo, paki gayat narin yan at nasa NAIA airport na ang Dad mo," She said kaya kaagad na ko kumuha ng chopping board at kutsilyo at sinimulan ng gayatin ang mga gulay.

Nang magayat nanamin ang lahat ng dapat gayatin ay nagsimula ng timplahan ni Mom ang karne na pinapakuluan namin kanina. Si Mom narin ang naglagay ng mga ibang sangkap at sahog para sa kare kare. Hinuli namin nilagay ang gulay at tinakpan na niya ang kaldero. Papakuluan na lamang ito ng kaunti para tuluyang maluto.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now