Chapter 13

21 0 0
                                    

"My goodness Zole what happened to you!? Are you okay!? Nolan dapat sa hospital mo na siya dinaretso para mapatingin siya sa doktor mismo," Nag aalalang pagdalo samin ni Mom pagpasok namin sa loob ng bahay.

"Zole! I'm sorry I wasn't able to pick you up in your office, I was in a urgent meeting earlier at hindi ako kaagad makaalis," Alexie explained kaya nginitian ko siya at tumango.

"It's okay Alexie, I understand. Mom calm down, I'm fine. Tapilok lang po 'to at malayo sa bituka," I said and Mom let out a heavy sigh and hugged me tightly.

"Zole alam mo namang hindi ka pwedeng basta basta naaaksidente ng ganito diba? Your joints aren't strong enough like it-" Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya at pinandilatan siya ng mata.

"Bro, kami nang bahala kay Zole. Thanks for bringing her here," Alexie said at siya na ang umalalay sakin pa upo sa sofa.

"Thank you for taking care of my daughter, Nolan..." Pasasalamat din ni Mom sakanya. Nolan just gave them a smile.

"Your welcome po Tita. I should go ahead, baka hinahanap narin ako sa opisina. It's nice to meet you again as well, Mr. Demanuca..." Nolan said. Alexie smiled to him and nodded his head.

"Me too, Mr. Colleymore. No need to be formal, just call me Alexie..." He said.

"You can just call me Nolan as well, Alexie. I'll go ahead then. Zole, rest well." Paalam sakin ni Nolan.

"Drive safely," I reminded him bago niya kami tuluyang tinalikuran at lumabas na ng bahay.

"Are you sure your okay anak? Pwede naman tayo pumunta bukas sa Doktor mo para mapatignan 'yang paa mo," Alok ni Mom at tinignan ang paa kong medyo namamaga parin hanggang ngayon.

"Hindi na po Mom, lalagyan ko nalang po ulit ng cold compress mamaya para mawala na po yung pamamaga." Pag alma ko at buti naman ay pumayag siya.

"Oobserbahan parin natin 'yan hanggang bukas. Kapag hindi parin nawala ang pamamaga ay dadalhin na kita sa hospital, okay? I need to inform your Dad about this, he needs to know..." Mom said at tumango na lamang ako. I'm sure Dad would be worried kapag nalaman niya pero Mom's right, he needs to know of what happened.

"Bakit ka ba kasi natapilok?" Tanong sakin ni Alexie and I look at him.

"May nag away kasi na dalawang empleyado sa factory kaya kaagad kami pumunta ni Valentina para pigilan sila, sa sobrang pagmamadali namin ay nakalimutan nanamin magpalit ng bota kaya ito, nadulas ako sa factory..." Pagkwento ko at napailing iling naman si Alexie.

"Bakit ba kasi palagi kayo nakasuot ng heels? Pwede namang flat shoes nalang diba? Tignan mo tuloy nadulas ka pa ng hindi oras," Sermon niya sakin at inirapan ko naman siya.

"My corporate attire doesn't match on flat shoes, Alexie. Don't worry I'll remind Valentina na palaging ipaalala na magpalit kami ng bota pag pupunta ng factory," I assured him and he just let out a heavy sigh na parang duda parin sa sinabi ko.

"Paano kung pati siya ay makalimutan din? Kung pwede lang na palagi mo kong kasama kapag pupunta ka ng factory gagawin ko talaga just to ensure that you wouldn't slip like this again," He said at tumawa naman ako at hinampas ang balikat niya.

"Stop acting like an overprotective boyfriend, Alexie. Hindi bagay sayo," Sabi ko at napanguso naman siya sa sinabi ko.

"Oh stop flirting infront of me you two at na mi-miss ko lang lalo si Gabe. Ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda sa kusina, Alexie could you bring Zole up to her room for me para doon siya maka pagpahinga ng maayos?" Mom said at napatango naman kaagad si Alexie.

"Sure Tita. Nag g-gym naman po ako at kayang kaya ko naman po buhatin si Zole," Aniya at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Sinasabi mo bang mabigat ako?" Mataray kong sabi ng nakataas ang kilay sakanya. Ngumisi siya ng nakakaloko at napatili ako ng bigla na lamang niya ko binuhat ng walang kahirap hirap. Napakapit pa ako batok niya bilang suporta.

Loved Behind the SunOnde histórias criam vida. Descubra agora