Chapter 05

31 2 0
                                    



Napapikit ako at napakapit sa braso ng lalaking mabilis akong nailayo sa mga boteng babagsak,mabuti nalang at nahila niya ko palayo kung hindi ay baka dumudugo na ang ulo ko ngayon.

"Are you okay?" Seryoso niyang tanong kaya dahan dahan na ko dumilat at kaagad nagtama ang mata namin dahil sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Medyo nanlaki pa ang mata ko sa gulat at kaagad nakaramdam ng pagkailang ng malamang si Nolan pala ang humila sakin. Tumikhim naman ako at kaagad ng bumitaw sa pagkakapit sakanya.

"O..Oo ayos lang ako, salamat." Tipid kong sagot.

"Nako Ms. Zole ayos lang po ba kayo? Hindi kayo nasugatan? Malalagot po ako sa Dad niyo pag nalaman niyang nasaktan kayo," Nag-aalalang pagdalo sakin ni Valentina at tinignan ang buong katawan ko para ma check kung may sugat ba ko. Nginitian ko nalang siya at umiling.

"Ayos lang ako Valentina, huwag ka na mag alala. Ayos lang ba kayong lahat? Wala naman ba nasugatan?" Pangangamusta ko naman sa iba naming kasamahan at umiling naman sila na ikina kampante ko.

"Anong nangyari bakit may bumagsak na mga bote? Kaka ayos lang ng makina na 'yon kanina diba?" Tanong ni Nolan sa isa niyang empleyado.

"Baguhan po kasi ata yung nag ayos Sir kaya hindi po nahigpitan yung mga turnilyo na lumuwag, pasensya na po talaga Sir hindi na po mauulit. Ms. Zole pasensiya narin po at muntikan pa kayo madisgrasya..." Paghingi ng pasensya ng empleyado.

"It's okay, just double check your equipments next time. Paki linis agad ang mga kalat dito at makaka disgrasya din ang mga bubog," Utos ko sa mga tauhan at kaagad naman sila nag si kilos.

"Ms. Zole mas delikado po dumaan ngayon mas dumulas po ang sahig, hindi rin naman po tayo pwede mag paa dahil baka may mga bubog pa po kayo matapakan..." Puna ni Valentina.

"Hantayin nalang muna natin sila matapos maglinis saka tayo bumalik," Sagot ko at napakamot naman sa ulo si Valentina.

"Ms. Zole malapit narin po kasi dumating yung investor na kakausapin ninyo, kailangan na po talaga natin makabalik," Napabuga naman ako ng hininga sa sinabi niya at ngayon hindi ko alam kung paano kami makakadaan ng hindi na aksidente.

Sa sobrang frustrated ko ay hindi ko napansin na naririnig pala ni Nolan ang pinag-uusapan namin, pero wala na kong pakialam ang iniisip ko ngayon kailangan na naming makabalik ng opisina.

"Ah!"

Napatili ako ng bigla na lamang ako umangat mula sa sahig, napatakip pa ko ng bibig dahil napalakas ang pag sigaw ko at naagaw namin ang atensiyon ng karamihan sa trabahador na malapit sa amin.

Binuhat ako ni Nolan ng biglaan kaya nagulat ako. Tinignan ko naman siya at nagtaas lamang siya ng kilay sa akin.

"Bakit mo ko binuhat!?" Tanong ko.

"Tsk, may hinahabol kang meeting diba? Pasalamat ka nalang na binuhat kita kung hindi baka duguan ka na ngayon kung sinubukan mo dumaan sa madulas at puro bubog na sahig," Sagot niya at naglakad na siya habang buhat buhat ako.

Natanaw ko mula sa likod si Valentina na binuhat din ng isang empleyado para makadaan. Habang naglalakad kami ay na a-amoy ko ang matapang na pabango ni Nolan, mukhang hindi siya nagpalit ng pabango ah. Ito yung pabango na na a-amoy ko sakanya dati pa. It's his signature sent I suppose.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makalagpas na kami sa sahig na basa. Dahan dahan niya ko binaba at inayos ko kaagad ang palda ko.

"S..Salamat, hindi mo naman na talaga kailangan gawin 'yon pero-" Pinutol na niya ang sasabihin ko.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now