Chapter 10

22 1 0
                                    


Pagkatapos namin mag usap ni Skylar ay pumunta na kami sa table kung saan pumwesto sila Alexie kasama sila Mom at Dad. Nandoon din nakapwesto ang Mom
at Dad ni Skylar, mukhang nagkakatuwaan sila ng makarating kami doon ni Sky. Naagaw ata namin ni Sky ang atensiyon nila kaya sinenyasan nila kami na umupo narin doon, tumayo pa si Alexie para ipaghila ako ng upuan sa tabi niya. Si Skylar naman ay tumabi sa kanyang mga magulang.

"Mabuti naman at nakadalo ka rin sa party ko Alexie, boyfriend mo daw siya Zole is that true?" Tanong ni Mr. Demesca kaya dahan dahan naman ako tumango.

"Bagay na bagay kayo Iha, looks like you've moved on from your ex huh?" Puri samin ni Mrs. Demesca and I just shyly smiled towards her.

"Y..Yes Tita, limang taon narin naman po ang nakalipas. Just like Skylar, pareho na po kami nakapag move on sa past relationship namin," I answered at napangiti naman si Tita Rein at tinignan din si Skylar. Nginitian naman din siya ni Sky at tumango.

"Nanghihinayang parin ako sa inyong dalawa ni Nolan Iha, bagay na bagay din kayo at nakikita namin kung gaano kayo ka sweet  sa isa't isa noong kayo pa. Hindi na nga kayo halos mapaghiwalay eh," Komento ni Tito. Napawi naman ng ngiti sa labi ko at napatingin na lamang sa mga kamay kong nakapatong sa aking hita.

"Nolan Gianni Colleymore? He's your ex?" Tanong bigla sakin ni Alexie kaya napatingin ako sakanya. I slowly nodded as an answer.

"P..Pasensiya ka na, hindi ko na nabanggit sayo ang tungkol sakaniya. Matagal na kaming tapos Alexie, you don't need to be bothered by him. Nag uusap lang kami kapag naabutan ko siya sa factory or pag may kailangan kaming pag usapan about sa trabaho," Paniniguro ko sakanya at hinawakan pa ang kamay niya. He slightly smiled at me and kissed the back of my hand.

"You don't need to explain Zole, I trust you." He said at nawala naman ang kaba na nararamdaman ko sa sinabi niya. It melts my heart to hear him say that he trust me, at hindi ko hahayaang masira ang tiwalang binigay niya sakin.

"Mr. Demesca! Happy Birthday!" Biglang may bumati kay Tito kaya napalingon kaming lahat sa nagsalita. It was Mr. Colleymore together with he's wife and their two sons, which are Nolan and Kuya Rixton. Si Nolan ay may kasamang magandang babae sa tabi niya, mukhang siya ang Fiancée na tinutukoy niya.

Hindi na ko gaano nagulat na iimbitahan din nila Tito Graze ang mga Colleymore, magkakilala din sila sa business industry kaya hindi sila malabong imbitahan.

"Zole! Iha I miss you! Ngayon lang kita ulit nakita after 5 years. Tampo ako sayo ah hindi ka manlang nagpaalam samin na sa ibang bansa ka na pala mag aaral at mag si-stay for good," Pagbati sakin ni Mrs. Colleymore at nilapitan ako sa aking upuan para halikan ako sa pisngi.

"I miss you too, Tita. Pasensiya na po at hindi na ko nakapag paalam sa inyo, biglaan po kasi..." Paghingi ko ng despensa and she just smiled at me ang caressed my shoulders.

"I understand Zole, alam ko ang totoong dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa anak ko. Don't worry, hanggang ngayon Nolan doesn't know that your sick. I just hope one day, ikaw mismo ang magsabi sakanya ng tungkol dito. I hate keeping secrets towards him,"  Bulong niya sakin na ikinagulat ko. Paano niya kaya nalaman ang tungkol sa sakit ko? Sino ang nagsabi sakanya?

Tumango na lamang ako at bumalik na si Tita sa kanyang asawa. Napatingin naman ako kay Nolan na ngayon ay seryosong  nakatingin sa katabi kong si Alexie. Nagulat ako ng bigla naman akong inakbayan ni Alexie habang nakatingin din kay Nolan. Now Nolan's stares shifted towards me, hindi ko mabasa ang mga mata niya. Is he mad? Sad? I don't know, at wala na dapat ako pakialam kung ano man ang isipin niya sa amin ni Alexie.

Loved Behind the Sunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن