Chapter 11

44 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang birthday party ni Tito Graze. As usual nandito nanaman ako sa company doing business stuff. Napatigil naman ako sa pagbabasa ng files sa Imac ng biglang pumasok si Valentina mula sa opisina, hingal na hingal pa siya na mukhang kagagaling lang sa pagtakbo.

"Ms. Zole, nagkakagulo daw po sa factory ngayon. May dalawa po kasing empleyadong nag aaway, pinagbibintangan po kasi ng isang empleyado na siya ang nakabasag ng isang crate ng wine ready for shipment pero tinatanggi daw po ng isang empleyado na siya ang may kasalanan," Paliwanag ni Valentina kaya napatayo naman ako.

"What? Magpadala kaagad ng security, awatin ninyo ang dalawa," Utos ko at ngayon ay naglalakad na para pumunta rin sa factory para maayos ang problema. Sumunod naman sakin si Valentina at ngayon ay may kausap na siya sa telepono, baka yung security na ang kinakausap niya.
Pagkasakay namin ng elevator ay si Valentina ang pumindot ng down button.

"Bakit ba kasi nabasag ang mga bote? Sino ba talaga ang may kasalanan?" Tanong ko.

"Hindi ko pa po alam Ms. Zole, nagulat nalang po ako na nireport sa HR ang nangyari," Paliwanag niya kaya napamasahe ako sa aking sentido. Ng magbukas na ang elevator ay kaagad na kami naglakad patungo sa kung saan nang gagaling ang kaguluhan.

"Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi mo ko natabig hindi ko mabibitawan ang dala kong kaing!" Rinig kong sigaw ng isang empleyado. May nakahawak sa kanyang dalawang security dahil pilit nitong gusto sugudin ang isang empleyado na gusto rin siyang sugurin.

"Kasalanan ko bang lalampa lampa ka? Tumingin ka rin kasi sa dinadaanan mo, ayan tuloy nakakabangga ka ng ibang tao," Pangaral sakanya nito kaya mas lalo nag pumiglas ang isang empleyado.

"Stop it both of you!" Pagpigil ko sakanila at lahat naman sila ay natigil ng makita ako. Linapitan ko sila at seryosong pinagmasdan.

"Wala bang nasaktan sa inyong dalawa?" Tanong ko at sabay naman silang umiling.

"Ms. Zole nakikiusap po ako huwag niyo po ako tatanggalin sa trabaho, ito nalang po ang inaasahan sakin ng pamilya ko..." Pagmamakaawa ng isang empleyado at lumuhod pa sa harap ko. Lumuhod narin tuloy sa harap ko ang isang empleyado.

"Ako rin po Ms. Zole, humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa kong kasalanan. Huhulog hulugan ko na lamang po ang mga nabasag kong mga bote ng wine para makabayad, huwag niyo lang po ako sisisantihin," Paghingi din nito ng despensa. Bumuntong hininga naman ako at hinawakan pareho ang kamay nila para patayuin mula sa pagkakaluhod.

"Tumayo nga kayo, hindi ko kayo tatanggalan ng trabaho... Ipangako niyo lang sakin na hindi na kayo mag aaway ulit. Malinaw ba 'yon?" Paglilinaw ko. Napatingin naman silang dalawa sa isa't isa at muli akong tinignan. Dahan dahan silang tumango na ikinangiti ko.

"Hindi niyo narin po kailangan bayaran ang mga nabasag, ako na po ang bahala doon. Bumalik na lamang po kayo sa trabaho niyo," Dagdag ko at napangiti naman sila pareho sa sinabi ko.

"Maraming salamat po Ms. Zole! Napaka bait niyo po talaga kagaya ng Dad ninyo," Pasasalamat nila sa'kin kaya tinapik ko nalang pareho ang mga balikat nila.

Nagpaalam na ko sa ibang empleyado at naglakad na para makabalik sa opisina. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nawalan na ko ng balanse dahilan para matapilok ako at madapa sa sahig.

Shit, nakalimutan ko pala magpalit ng rubber boots sa sobrang pagmamadali at madulas pa ang sahig ngayon dito.

"Ms. Zole! Nako po call the medic ngayon din!" Kaagad ako dinaluhan ni Valentina at sinubukan ako tulungan makatayo pero hindi niya kaya at sobrang sakit ng paa ko ngayon. Lagot ako kay Mom nito pag uwi.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now