Chapter 18

9 1 0
                                    





The next day ay abala muli ako sa opisina dahil nga sa pag aayos ng production area. I already set a general meeting towards all of the employees para malaman if sino sakanila ang willing lumipat muna sa production team.

"Good morning to all of you. As you all know there will be some drastic changes for a while in our factory since the production area is under maintenance as of the moment. Since some of the machines are not functioning anymore, the supplier of our machines decided to replace it with a new one but it will take a few weeks to remove the non working machines on the area and also installing the new machines." I explained, lahat naman ang empleyado ay nakatingin lang sakin at nakikinig.

"I know most of you is already trained to work in the production area incase these kind of conflict occurs, so to those of you who are willing to help on the production team will received a triple pay on your salary" I announced at mukhang marami naman ang naging interesado sa alok ko kaya napangiti ako.

"Just remind your designated team leaders na tutulong kayo sa production team so that we will know kung sino sino ang mabibigyan ng triple pay salary. That will be all thank you." I concluded at nagsimula na nga silang magpalista sa mga team leaders nila. Every area sa factory ay may designated na team leader, they are the ones monitoring and managing their people.

"Mukhang wala naman po tayo magiging problema sa production team Ma'am, most of the employees are willing to help idagdag niyo pa ang mga taong pinadala ni Sir Nolan" Ani Valentina kaya napatango ako.

"Siya nga pala, nagsimula na ba sila sa pagtatanggal ng lumang machines sa production?" I asked.

"Opo Ma'am kanina pa po sila nagsimula. Tumutulong na nga rin po si Sir Nolan eh, ang hands on po talagang boss ni Sir noh!" Sagot naman ni Valentina kaya medyo napangiti ako. Naglaka ako papuntang pantry at kumuha ng tubig, dadalhan ko sana si Nolan dahil mukhang kanina pa nga sila nagtatrabaho doon. Inutusan ko rin si Valentina na magpadala ng tubig doon para narin sa ibang mga trabahador. Naglakad na kami patungo sa production at kita nga naming abala ang lahat sa pag dismantle ng mga lumang makina. Nahagip ng mata ko si Nolan, naka topless nanaman siya habang abala rin sa pagtulong sakanyang mga tauhan.

"Magandang umaga sainyo! Mag water break muna kayo saglit dito at may dinala kaming tubig" Anunsiyo ni Valentina at nagsilapitan naman ang mga trabahador samin para kumuha ng tubig. Si Nolan ay naglakad narin palapit samin. Nginitian ko siya at inabot ang isang bottled water. Seryoso lamang siya nakatingin sakin at tinanggap naman ang inalok kong tubig. Napatingin naman ako sa katawan niyang pawis na pawis, kaya siguro napapatingin yung mga babae naming empleyado sa gawi nila dahil nakahubad siya! Bigla tuloy napawi ang ngiti ko ng naisip yon. Pinagnanasaan siya ng mga babae dito tas parang okay lang sakanya ah!?

Halos naubos niya ang tubig at napatingin sa akin ng nakakunot ang noo.

"Oh, bakit nakabusangot mukha mo?" Tanong niya at ako'y napairap na lamang habang pinag krus ang aking mga braso.

"Wala, marami lang akong inaasikaso ngayon" Pagdadahilan ko at napataas naman ang kilay niya na parang hindi siya naniniwala. May bigla namang lumapit na isang empleyado at inalok siya ng twalya, nginitian naman niya yon at tinanggap tsaka pinunas sa pawis na pawis niyang katawan. Really!? Infront of me!?

"Valentina, ikaw na muna bahala dito babalik na ko sa opisina ko" Utos ko at tumango na lamang si Valentina at iniwan sila Nolan don. Naiinis ako! Narinig kong parang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon, bahala siya dyan mukhang nag eenjoy naman siya eh!

Hindi na ko nakabalik ng opisina dahil biglang nagtext si Alexie na nasa labas na daw siya. Muntik ko ng makalimutan na niyaya niya pala ako ngayon kumain sa labas. Pagkalabas ko ay bumungad agad siya sakin, nginitian niya ko at nilapitan sabay halik ng mabilis sa aking pisngi.

Loved Behind the SunWhere stories live. Discover now