13

1K 26 0
                                    

"Long time no see." Malamig niyang sabi habang prenteng nakaupo sa swivel chair.

"Hello, I'm Rosei nice to meet you." Pakilala ko na parang ngayon ko lang talaga siya nakita at nakilala. Bahagya naman siyang napangisi.

"I know you." Nakangising sabi niya.

"You are the woman who RAN because something HAPPENED to US in the CAR." Dugtong pa niya. HUHU bakit ba naman kasi sa dinamiraming pwedeng maging anak ni tito liam ay itong lalaki pa. HUHU.

"H-uh? Sorry, h-indi k-ko a-alam a-ang s-sinasabi m-mo." Kandautal utal na pag mamaang maangan ko. Bahagya naman siyang napatayo sa swivel chair at lumapit papunta sakin, kaya naman napaatras ako. Nang wala na akong maatrasan, nakasandal nalang ako sa pader. Nilagay niya ang isang kamay niya sa gilid ko. SHEMAY, bumilis tibok ng puso ko. HELP.

"You don't know? Do you have amnesia? Huh?" Seryoso niyang tanong habang nakatitig sakin.

"Or maybe you're just pretending you don't know." Dugtong niya.

"H-hindi k-ko t-talaga a-alam a-ang s-sinasabi m-mo." Pagmamaang maangan ko. Unti unti niya namang nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mapapikit ako. Nanakawin na naman ba niya ang second kiss ko, ninakaw niya na nga yung first kiss.

Nang wala naman akong naramdaman na labi na dumampi sa labi ko ay agad kong minulat ang aking mata. At nakatingin lang pala siya sakin at may nilalahad na maliit na papel. Wait, ang assuming ko ata na akala ko hahalikan niya ako.

"Ano yan?" Takang tanong ko. Ganon parin ang pwesto namin.

"I paid my debt to you. Sobra pa ito sa 300." Sabi niya.

"Huh? hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagmamaang maangan ko. Akmang aalis ako sa pagkakacorner niya saakin, ng hawakan niya ang braso ko at nilagay sa kamay ko yung papel na cheke pala. Kinorner na naman niya ako habang hawak parin ang kamay ko.

"I will not introduce myself to you because I know you know me. Remeber this rosei, not for the rest of your life you can pretend to me that you don't know what happened to us. Yes, we were drunk that day, but we're still in the right frame of mind. I didn't kiss you that night just because i'm drunk." Seryoso niyang sabi habang magkatitigan kami at hawak ang kamay ko.

Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin o irereact ko.

"Go home, it's night." Sabi niya 'tsaka ako binitawan at bumalik sa swivel chair.

"Dito kami mag papalipas ng gabi, nandon na yung mga kasama ko sa kwarto na tutulugan namin ngayong gabi. Matutulog nako, nice to meet you again." Sabi ko. Akmang lalabas na ako ng pinto ng mag salita na naman siya.

"Kasama?" Tanong niya kaya bahagya akong humarap.

"Yes." Sagot ko at akmang aalis na, ng mag salita na naman siya. Tsk, daming hanash.

"Who are they?" Tanong niya na naman kaya humarap uli ako.

"Mga kaibigan ko." Sagot ko at akmang aalis na uli pero nagsalita na naman siya.

"What's their name?" Tanong na naman niya. Reporter ba tong yelo na to, daming tanong.

"Hazel and Reyster." Sagot ko.

"Reyster? So, there is a man?" Nakangisi niya sabi. Luh, problema nito. Ano naman ngayon sakanya.

"Oo, may tanong ka pa ba? Kung wala na aalis na ako ah." Iritang saad ko at akmang aalis na ng mag salita na naman siya. Pigilan niyo ko bibigwasan ko nato.

"You will not sleep there." Malamig niyang sabi. Tsk, ano bang problema nito. Saan niya ako gustong patulugin, sa banyo.

"Mamaya may gawin pa sayo yung lalaking yon." Dugtong niya.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now