62

471 12 0
                                    

Hazel's Point Of View.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang isang lalaking nakatalikod naramdaman nya agad ang presensya ko kaya agad syang humarap sa akin.

Hindi nga ako nagkamali..

"Harris?..." Kahit ilang taon na ang lumipas wala parin syang pinagbago.

Napangiti sya nang mapagtanto nya na kaharap nya ako. "Finally Hillary i found you my.. little sister."

Turan nya at niyakap ako.

Little sister my ass. Tch!

"Anong ginagawa mo dito kuya Harris?" Halata sa tono ko ang pagka-irita.

Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin. "Ganyan ba ang tamang salubong sa kuya mo? Makalipas ang maraming taon na pagtatago mo sa amin? Ganyan ba Hillary?!"

"Bakit nyo pa ako hinanap? I'm happy with my life now--"

"Life? Masaya kang nakatira dito sa nakakadiring.." at pinasadahan nya pa ng tingin ang buong apartment ko na parang diring-diri. "... Apartment na 'to? Eh mas malaki pa ang maid's house natin dito eh?!"

"kaysa naman tumira ako kasama ng mga drug lord na katulad nyo--"

"WATCH YOUR WORDS HILLARY!" Bigla nyang sigaw sa akin.

FLASHBACK

Hazel's POV. (12 years old Hazel)

"Ma, pa. Tinatawag niyo raw po ako bakit po?" Salubong ko kila mama ng makapasok ako ng bahay. Galing kasi ako sa labas at nakikipaglaro, tas umuwi ako dahil pinatawag nila ako.

"Anak, halika. Maupo ka sa tabi namin"

"May mahalaga kaming sasabihin saiyo" Nakangiting sabi nila pero mukhang seryosong bagay ang gusto nilang sabihin sakin. Bahagya naman akong lumapit sa gawi nila at umupo sa gitna nilang dalawa.

"Ano po ba yon?" Tanong ko. Nakita ko namang nakatinginan pa sila bago ako sagutin.

"Anak... naalala mo pa ba yung tinatanong mo samin dati ni papa?" Tanong ni mama kaya napakunot noo ako.

"Huh? Ano po yon?" Taka kong tanong.

"Pag tinutukso ka ng mga kalaro mo na ampon ka raw" Si papa. Natigilan naman ako sa sinabi niya, ito ba ang mahalagang sasabihin nila.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil mukhang alam ko na ang sasabihin nila.

"Bakit po? Tama po ba sila? Na ampon lang ako?" Ako na nag pipigil iyak. Bigla namang naiyak si mama kaya hindi ko narin napigilang umiyak.

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi" Umiiyak na saad ko.

"Sorry anak... ayaw lang naman namin ni papa na masaktan ka" Umiiyak na saad ni mama.

"Alam mo naman anak na kahit hindi ka namin ka dugo, mahal na mahal ka namin" Si papa na halos maiyak rin. Niyakap ko naman silang dalawa.

"Mahal ko rin po kayo ma, pa. Hindi po ako galit sainyo kahit ngayon niyo lang po ito sinabi sakin. Nag papasalamat pa ako dahil kayo ang umampon saakin, mahal na mahal ko rin po kayo" Umiiyak na saad ko.

"Nga pala anak, may gusto kaming ipakilala sayo" Si mama kaya kumalas ako sa pag kakayakap sakanila.

"Huh? Sino po?" Ako, bigla namang may pumasok sa pintuan namin. Sa suutan palang nila malalaman mo ng mayaman sila. Isang babae at lalaki na mukhang mayayaman, kaedaran sila ni mama at papa. May kasama silang tatlong all men black na nasa likuran nila na ani mo'y body guards.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now