31

500 18 0
                                    


Hazel's Point Of View.

Pagkapasok na pagkapasok sa Cr ay nilabas ko na ang mga luhang kanina pang gustong bumagsak.

Sinara ko ang pinto at binuhos ang lahat ng luha ko habang nakatitig sa malaking salamin.

Bakit ikaw pa reyster? Bakit kailangang ikaw pa yung magustuhan ko?

Ano pa bang meron si rosei na wala ako. Bakit sya pa? Bakit ikaw pa!

Bakit halos lahat kayo gusto sya! Na kahit stepbrother nya nagustuhan sya! Anong bang dapat kong gawin?

Bakit kahit anong iwas ko sayo hindi ko parin magawang kalimutan ka?

Hindi ko ba talaga deserved na mahalin? Kaya ba pati sila mommy at daddy iniwan rin ako noon?

Bakit.. bakit ikaw pa reyster.

Ang sakit sakit na.. tuwing nakikita ko kayong magkasama ni rosei ang sakit sakit.

Bakit ba kase kaibigan lang ang turing mo sa akin? Bakit ba reyster.









Rosei's Point of View.

Ngayon na yung birthday ni mama, at ngayon narin yung araw na aamin kami ni ice. At ngayon ko rin sasabihin sakanilang lahat na buntis ako. Grabe, sobrang kinakabahan ako. Napag disisyunan ko kasi na wala nalang akong pag sasabihan na buntis ako para dito na nilang lahat malaman, kahit kay ice hindi ko pa sinabi. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pag amin namin ni ice lalo na kung malaman pa nilang buntis ako, basta bahala na. Kaya mo yan rosei.

Nahagip naman ng mata ko si hazel na palinga linga at nag lilibot. Finally, mag kakasama na uli kami. Buti naman at pumunta siya, sabi niya kasi nung chinat ko siya baka hindi siya makapunta.

"Hazel!" Tawag ko sakanya at kumaway pa kaya napatingin naman ito sa gawi ko at bahagyang lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Buti naman pumunta ka sobrang na miss kita hazel." Masaya kong saad at niyakap siya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko pag kakalas ko ng yakap sakanya. Bakit parang ang tamlay ni hazel, hindi ko alam pero parang nagiging cold na talaga siya.

"Hazel? Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba? Bat parang namamaga?" Alalang dugtong ko pa.

"Ayos lang ako rosei, wala 'to." Nakangiting sagot niya pero halatang halata ko na pilit yung ngiti niya. Ano ba talagang nangyayari sayo hazel, bakit ayaw mong sabihin sakin.

Nag uumpisa na ang party nandito na lahat ng mga bigating tao na inimbitahan nila tito liam. Grabe, kinakabahan parin ako sa pag amin namin ni ice at pag amin ko. Btw, na sa iisang table kami nila ice, reys, hazel, tita lia, tito liam at mama.

"Hello everyone, have a grateful night to all of us." Paninimula ng emcee sa maliit na stage.

"Ladies and gentlemen. Please, welcome. Our celebrant Mrs. Liezel Torres! Please give her around of applause." Saad ng emcee kaya tumayo si mama at pumunta ng stage habang nag papalakpakan ang mga bisita at kami.

"First of all, thank you everyone for coming. Actually this is the first time I celebrate my birthday, thank you for my beloved husband. To ice, lia and of course my beautiful daughter rosei." Masayang sabi ni mama sa stage habang nakatingin sa gawi namin. Pag katapos niyang sabihin yon nag palakpakan uli ang mga bisita at kami.

Natigilan naman ako ng makita si savannah na umakyat sa stage at pumapalakpak ng isa isa. Napatingin namam ako kila ice, reys, hazel na nagtataka rin kahit sila tito liam at tita lia.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now