41

429 15 0
                                    

Hazel's Point Of View.

"Sir this way." Turo sa amin ng nag aassist. Nandito kami ngayon ni sir Aiden sa Whole Land Rover kung saan nakalagay ang mga ibat-ibang sasakyan.

Habang dinadaan namin ni sir ang mga sasakyan ay hindi ko maiwasang mamangha napaka ganda ng mga sasakyan at halatang mamahalin ang lahat.

"Ms. Ferrer take this." Nakangiti abot sa akin ng isang empleyado ng isang tablet. Tinignan ko ito at nakita ko na ang nakalagay ay ang mga brands ng sasakyan at ang mga presto nito-

Halos lumuha ang mata ko nang makita ko ang nasa top expensive car. Nagkakahalaga ito ng 12 Million.

jusme! Sa panaginip lang ata ako magkakaroon ng ganito kalaking pera ano bang meron sa sasakyang 'to at napaka mahal.

"Hey? Are you alright? You look shocked." Napatingin naman ako kay sir Aiden na pinapanood pala ako.

"Ah oo okay lang ako, grabe ganito ka kayaman? Ano bang meron sa mga sasakyan na yan bakit napaka mahal." Natawa naman sya sa akin.

"Hahaha Galing pa kase sa ibang bansa ang iba sa mga yan at karamihan ay napaka moderno na." Sagot nya.

"Siguro magtatrabaho muna ako ng 20 years bago ako makabili ng isa sa mga sasakyan na yan."

"Hahahahahaha you're so funny." Napatingin naman ako sa kanya.

Loh.

Happy sya sakin.

Hay nako sir wag kang tumawa ng ganyan lumalabas dimple mo.

"Good Morning po sir may malaki po tayong client ngayon."

Napatigil naman sa pagtawa si sir Aiden nang sumulpot ang staff sa amin.

"Oh Yes? Who is it?" Si sir Aiden.

"Si Ms. Ashanty Park--"

"Omg! Really? Si Ashanty Park??!" Hindi ko napigilang magsalita nang marinig ko ang pangalan ni Ashanty.

Mygod! Nandito sya??

napatingin naman sa akin sina sir Aiden at yung staff.

"You know her?" Tanong sa akin ni aiden.

"Ah OO! OO! Sikat syang vlooger. Sya ang isa sa mga Favorite vlogger ko. Omg!" Hindi ko makapaniwalang sagot.

Nagsalita naman ulit ang staff. "Hmm sir nandito po si Ms. Ashanty para bumili ng sasakyan para sa kanyang boyfriend. At nagsabi rin po sya na habang pumipili sya ng sasakyan ay magv-vlog po sya."

"TALAGA?? SERYOSO??" tanong ko sa staff at tumango sya sa akin.

"Oh that's good. She can also show our company on her vlog." Si sir Aiden.

"Sige po sir aasikasuhin na po namin sya." Pagkasabi nun ay umalis na ang staff sa harapan namin.

Ako naman dito ay hindi parin makapaniwala.

Idol na idol ko talaga si Ashanty kapag may free time ako ay pinapanood ko talaga ang mga videos nya.

"Totoo ba 'to? Makikita ko na sya sa personal?" Tanong ko sa sarili ko.

For real? Omg!

"So you're one of her fans?" Biglang tanong ni sir Aiden.

"Ahh Oo hindi lang fans, alam ko ang buong pagkatao nya. Alam mo bang half pilipino at half korean sya. At isa rin syang army lagi syang may content na nasa concert sya!" Hindi ko talaga mapigilang magkwento.

Bigla naman nagbago ang reaction nya.

"She's an army?" Inosente nyang tanong.

Bahagya naman akong natawa. "Ah Hahaha it's not like what you think, hindi sya sundalo. ARMY means Adorable Representative MC for Youth iyon ang tawag sa fans ng BTS." Masaya kong Pagpapaliwanag.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now