70

477 11 0
                                    


Ang daya-daya mo naman..

Hindi pa eh..

Hindi pa 'ko handang makita kang nandyan sa kabaong..

At wala nang hininga..

Ang daya mo insan! Hindi lang ako ang iniwan mo kung 'di si hazel rin..

Hindi mo na dapat ako inisip dapat ikaw na ang naunang lumabas ng kotse dapat ikaw ang nabuhay!

Hindi mo na dapat ako inalala..

"Reys? Wala na ang pinsan mo.." Sambit ni tita Olivia at hinimas pa ang likuran ko upang mapakalma ako.

Dahan-dahan ko syang binalingan..

Kitang-kita ko ang mga luhang bumabagsak sa mga mata nya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya.

"I'm really sorry po tita.." hagulhol ko habang nakayakap sa kanya. "I'm sorry kung umalis ako nang gabing 'yon mas I inibabaw ko ang galit ko, nagtanim ako ng galit sa inyo ni aiden. Hindi ko naisip na yung mga sinasabi nyo ay para rin sa akin. Patawarin nyo 'ko tita."

Sambit ko habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko.

Bakit ngayon ko lang narealize ang mga bagay na 'to?

Bakit ngayon ko lang nalaman na may mali rin ako?!

Bakit lahat sinisi ko sa kanila? Bakit sinisi ko lahat kay aiden na ang totoo ay ako rin may kasalanan.

May mali rin ako, dinaig ako ng galit sa pag-aakalang wala silang tiwala sa akin.

BAKIT NGAYON LANG?!

BAKIT NGAYON KO LANG NAREALIZE ANG MGA BAGAY NA DAPAT NAREALIZE KO NA, NANG MGA PANAHONG HUMIHINGA PA SI AIDEN.

"Reys.." bahagya akong niyakap ni tita Olivia. ".. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Ang mga nagyare sa atin ay bunga ng hindi pagkakaunawaan, alam ko na kung nasaan man ngayon si Aiden, masaya sya na nandito ka at pinapatawad mo na sya."  Sagot ni tita.

Sa mahabang taon na kinimkim ko ang galit ko ngayon lang gumaan ang lahat,

Ngayon lang ako naliwanagan..

Bakit ngayon lang.. bakit ngayong wala na si aiden.

"Tol? Nagtext si  tita liezel, si hazel daw.."

















Hazel's Point Of View.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata 'ko una kong nakita ang puting kisame..

"Hazel?.."

Dahan-dahan akong bumaling sa paligid at nakita kong Nakangiting nakatingin sa akin si tita liezel.

"Tita liezel.." Saad ko.

Anong nangyare?

Aish. Ang sakit ng bandang dibdib ko.

Tinangka kong umupo pero agad akong pinigilan ni tita liezel.

"ay nako hazel hindi kapa magaling wag ka munang tumayo. Sandali lang ha tatawag ako ng doctor."

Sambit ni tita at mabilis na lumabas ng kwarto agad din naman syang nakabalik kasama ang isang doctor at nurse.

Agad na lumapit sa akin ang doctor at kung anong may chineck sa katawan ko.

"Ayos naman na ang vitals nya normal na lahat. She's fine." Nakangiting saad ng doctor kay tita liezel at lumabas na ng kwarto.

Lumapit naman sa akin si tita liezel. "Anong nararamdaman mo  hija? May masakit ba? May gusto ka bang kainin?" Si tita bakas sa kanya ang saya at pag-aalala.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now