18

813 28 0
                                    

Rosei's Point of View.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagbibihis. Naligo muna ako bago nagbihis. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko, saktong pag bukas pa naman non ay ang pag tanggal ko sa tuwalyang nakatapis sa katawan ko.

Dali dali ko namang binalik ang pagkakatapis ng tuwalya ko ng makita si ice na nakasandal sa may pinto at nakatingin ng nakakaloko.

"Hoy ano ka ba! Hindi ka ba marunong kumatok? nagbibihis yung tao eh." Taranta kong singhal. Bahagya naman siyang natawa.

"Para namang hindi ko pa yan nakita." Mapanuksong saad niya, tsk. Oo na, nakita mo na pero wag ka ng umulit, abuso ka ata.

"Tsk." Tanging na sabi ko at napairap pa.

"Bilisan mo mag bihis." Saad niya at tsaka umalis at sinara ang pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don at agad na nilock yung pinto at nagbihis na.




Matapos akong mag bihis ay bumaba na ako at pumunta ng kainan dahil mag tatanghalian na kami ni ice.

Pag punta ko dito sa kainan ay nakita ko si ice na may kung anong ginagawa sa kusina. Nakahanda narin ang mga platong pagkakainan namin dito sa lamesa.

"I cooked this, I hope you will like it" Nakangiting saad niya habang papunta sa gawi ko at may hawak na dalawang plato na may lamang masasarap na pagkain. Nakakatakam naman.

"Hold this first." Sabi niya ng tuluyan na siyang nakalapit sa gawi ko at inilahad ang dalawang platong hawak niya. Agad ko namang kinuha ang dalawang platong hawak niya at hinawakan. Pinaghila niya naman ako ng upuan.

"Thank you." Sabi ko at tumingin sakanya pero nakatayo parin ako. Nagulat naman ako ng bigla niya akong halikan pero yung mabilisan lang.

"Yan muna ang appetizer." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko at binawi sakin ang dalawang plato.

Umupo na siya at nilagay ang dalawang plato sa mesa pero ako ito nakatanga parin at parang napako ang paa sa lupa.

"Ehem." Tikham niya kaya nabalik ako sa reyalidad at dali daling umupo. Mygosh rosei, nakakahiya ka.

Nagsimula na akong kumain ganon rin siya. Hmm, napakasarap naman ng luto niya. Hindi ako makapaniwala na magaling siyang mag luto. Akala ko kasi dahil mayaman siya ay hindi siya marunong mag luto, pero napakasarap ng luto niya. Mas magaling pa siya sakin mag luto kung tutuusin.

Walang umiimik saming dalawa, tanging tunog lang ng mga kubyertos ang gumagawa ng ingay pero nakakailang siya kasi kanina pa siya nakatingin sakin habang kumakain. Ni hindi naalis ang tingin niya sakin simula nung kumain siya.

"Why?" Kunot noo kong tanong sakanya dahil nakakailang na talaga.

"Nothing." Sagot niya.

"Nothing? Eh kanina ka pa tumitingin sakin" Mataray kong tanong.

"Iniisip ko lang kung kailan kaya mauulit yung nangyari satin sa sasakyan" Saad niya kaya napangiwi ako.

"Bastos! And you are really looking at me while thinking that!" Bulyaw ko sakanya pero tumawa lang siya.

"Hurry up there and get dressed, may pupuntahan tayo." Saad niya sabay tumayo at umalis.

"Bastos!" Pahabol ko pa sakanya kita ko namang napatawa pa siya. Tsk, at saan naman kami pupunta.









Hazel's Point of View.

Nandito ako ngayon sa dorm ko nagaayos ng mukha sa harap ng salamin, pupunta kasi ako sa milktea shop ni reyster. Ilang araw ko narin kasing hindi nakakasama si rosei at reyster gawa ng na busy ako sa trabaho.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now