43

442 16 0
                                    

Hazel's Point Of View.

"Hindi na nga, sige sige bye na." Pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na ang phone ko. Alam ko kaseng marami pang sasabihin si reyster at maaabala pa ako.

Niyaya nya kase ako kaninang lunch na mag dinner daw kami. Nag oo naman ako kase hindi ko alam na may biglaang appointment si sir aiden dito sa Laguna.

Babawi nalang ako sa kanya pag-uwi ko.

"Are you okay hazel?" Bumaling naman ako kay sir Aiden nang magsalita sya.

Nandito na kami ngayon sa mismong company ng Black Jack Corporation.

Ngumiti ako. "Yes sir I'm okay."

"Good. So let's go!"

Pagkasabi nya nun ay nauna na syang lumakad patungong conference room.

After chuchu hours ay natapos na rin ang meeting nila sir Aiden at ang President ng Black Jack Corporation.

Nandito na kami ngayon sa kilalang hotel dito sa Laguna.

Kung tatanungin nyo kung kami lang ni sir Aiden ang nagpunta dito sa Laguna ay Oo. Biglaan kase talaga ang pag tawag ng Black Jack corp.

"Room for two person" Sabi ni sir Aiden sa receptionist.

Napatingin ako sa relo ko. 10pm na pala.

Grabe nakakapagod.

"Here." Inabot sa akin ni sir Aiden ang isang susi kinuha ko naman iyon.

.
.

Mga 3 rooms lang ang pagitan ng kwarto namin ni sir Aiden.
Syempre magkaiba kami ng kwarto.

"Hazel, are you hungry? Gusto mo bang magpadala ako ng pagkain sa kwarto mo?" Sabi ni sir Aiden nang papasok na sana ako sa kwarto ko.

"No, busog pa po ako gusto ko nalang po magpahinga." Sagot ko.

Kumain kami mga around 8 kanina pero medyo busog pa talaga ako gusto 'ko nalang talaga magpahinga.

"Okay, goodnight ." Sya.

"Goodnight din sir Aiden." Pagkasabi ko nun ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

Sumalampak ako sa kama ko at kinuha ang phone ko.

Tawagan ko kaya si reyster?

Pero baka tulog na yun , bukas nalang.

Nagising ako sa malakas na tunog na nagmumula sa phone ko.

in-alarm ko kase to kagabi ng 6am sabi kase ni sir maaga din kaming uuwi kinabukasan.

Pumunta ako ng bathroom at naghilamos hindi naman ako makaligo dahil wala akong damit na dala.

Feeling ko ang lagkit-lagkit ko na kaya gusto ko na talaga makauwi.

Paglabas ko ng cr ay sabay namang may kumatok sa pinto.

Siguro si sir Aiden.

"Good Morning." Bungad ni sir Aiden sa akin nang pagbuksan ko sya.

At hindi lang yun bumungad din sa akin ang suot nyang bath robe, Oo naka bathrobe lang sya ngayon at kitang-kita ko ang mga muscles nya.

Omg!

Dumagdag pa ang basa nyang buhok na lalong nagpa hot sa kanya. Sobrang hot!

WAAAAHHHHHHHHHHHH

"WAHHH STOP HAZEL!"

"Ha? What's wrong?" Nabalik naman ako sa reyalidad nang magsalita si sir Aiden. napalakas pala ang sabi ko jusme!

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now