48

394 12 0
                                    

Reyster's Point Of View.

"Hello sir what are you looking for?" Tanong sa akin ng sales lady nang lumapit ako sa pwesto nya nandito ako ngayon sa mall at bibili ng kwintas para kay hazel.

Sabi kase ni mark na kapag nagconfess na ako, ay bigyan ko daw ng kwintas si hazel.

Gusto ko na talagang umamin sa kanya dahil baka maging tama si mark at maunahan pa ako ni aiden, Tch.

Katulad kahapon nagagawa nya pang pumunta sa bahay at maghubad sa harapan ni hazel.

Buti nalang at pumunta ako kung hindi sila lang dalawa dun. Pero ang mas nakakainis paano nagkaroon ng daga sa apartment nya, Tch lintek na daga 'yon.

Tinignan ko ang Hilera ng best selling nila na mga kwintas at tinignan yun isa-isa. Napadako naman ang atensyon ko sa mga kwintas na Letters ang Pendant. Sobrang ganda.

"Can I see this?" Sabi ko at tinuro mula sa salamin ang kwintas na ang pendant ay letter 'H'

"San po sir? Yung letter R po ba ang pendant?" Sya.

"Ah no, this one letter H" ako.

"Ah hello love? Mamaya kana tumawag may customer ako," Sabi nya habang may kausap sa phone, Tch. "Ano po uli sir?" Tanong nya ulit.

"This one." At itinuro ang kwintas. Kinuha naman nya ang buong box ng mga kwintas at iniharap sa akin.

"Which one sir?" Pag-uulit nya. Tss. Hindi ba sya nakikinig.

Tinuro ko naman ulit ang kwintas na letter H pero may tumawag nanaman sa kanya.

"Ah oo mamaya na.. ah sige sige bye..

...ah ito na po ba sir?" Tanong nya.

Tumango naman ako. Naiinis na ako ayoko ng paulit-ulit.

Sandali syang umalis dala ang mga kwintas at pagbalik ay nakabalot na ito sa maliit na paper bag, binigay ko ang bayad ko at kinuha na 'yon.

7pm

"Sir this is from Mr. Reyes paki pirmahan nalang po. That's the last order for today." Agad ko namang pinirmahan ang iniabot nyang mga papeles. Pagkatapos nun ay lumabas na rin sya ng opisina ko.

Napatingin naman ako sa paper bag na nasa ibabaw ng table ko.

Sana magustuhan mo 'to hazel..

Hinding-hindi na kita pakakawalan pa.

"HEYAAAAAAAAA!!"

Halos sumabog ang dibdib ko sa gulat nang biglang pumasok si hazel at sumigaw.

"Hahahahahhahahahaha­h nagulat kaba?"Nangaasar nyang tanong habang palapit sa akin.

Bumibilis naman ang tibok ng puso ko habang papalapit sya.

"Hindi na ba uso sayo ang salitang katok Ferrer?" Ako.

"Hahahahaha may naalala tuloy ako.." At tinignan nya ako nang nakakaasar. ".. Paano nga ulit yung takot sa daga? HAHAHHAHAHAHAHHAHAHA­HHAHAHA ang laugh trip nyo ni aiden kahapon Hahahahahahaha"

Umiwas naman ako ng tingin, Tch! Bakit kailangan nya pang ipa-alala 'yon?

"Hahahahahahaha. yakap pa nga Hahahahahha."

At hindi parin sya tumitigil.

Hindi ko sya pinapansin at itinuon ang atensyon sa computer ko.

"Hahahahaha sakit ng tiyan ko.. what's this? Kanino to?" Napatingin naman ako sa kanya nang ituro nya ang paper bag na nasa ibabaw ng table ko.

ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now