52

420 12 0
                                    


Rosei's Point of View.

Toronto, Canada

"Mommy!!! Wake up!!!" Nagising ako dahil sa boses at pag yugyog sakin ng anak kong si naomi. My baby girl. Bahagya akong umupo sa kama mula sa pag kakahiga.

"Oh, gising na si mommy" Nakangiting saad ko kay naomi, napabaling naman ako sa isa ko pang anak na si noah na napakalamig ng awra. Manang mana kay ice.

"Mommy, it's good that you're awake. Aren't we still going to the mall with tito cairo?" Malambing na tanong ni naomi.

"Ay oo nga pala, buti nalang ginising niyo ako. Thank you mga anak ko." Saad ko at niyakap silang dalawa at kiniss sa noo.

"Welcome mom, but tito cairo was already in the living room. So, let's hurry." Malamig pa sa apoy na saad ni noah. Anyway, hindi na kasi dito nakatira si cairo. Simula nung matapos yung bahay nila na pinarenovate ay bumalik na siya doon.

Living room.

"Hi sissy, nandiyan ka na pala. Sorry, kakagising ko lang eh." Saad ko at umupo sa sofa.

"Haynako sissy, ano bang bago." Pangaasar niya kaya napairap ako. Bigla namang dumating sila naomi at noah.

"I just got up early here because I was excited to see naomi and noah." Nakangiting saad niya at niyakap silang dalawa.

"Are we really the ones you want to see or mom?" Parang nangaasar na saad ni noah. Napangiwi naman si cairo at napatingin sakin. Haha, hindi kasi alam ng kambal na bakla siya hindi pa naman nila maiintindihan eh turning 4 years old palang sila.

"I will cook breakfast first, so we can have breakfast before going to the mall." Saad ko.

"And you two take a bath and get dressed." Dugtong ko kay naomi at noah na agad naman nilang sinunod.

"Hoy sissy, ikaw ha. Gusto mo pala akong makita ah, crush mo ako noh?" Pangaasar ko kay cairo dahilan para mapangiwi ito.

"Hoy Andree Rosei Shon tigilan mo ako ah, mag luto ka na nga don." Saad niya kaya napatawa ako. HAHAHAHAHA.

Kitchen.

Nandito ako sa kusina nag luluto ng breakfast namin. Grabe, hindi parin ako makapaniwala apat na taon na ang nakalipas simula nung pumunta ako dito sa canada. Sa apat na taon na nag daan ano na kayang nangyari kay ice, sure ako na may bago na siyang minamahal ngayon. Kung meron man, I'm so happy for him. Sila hazel at reyster kaya, ano na kayang nangyari sakanila? Nag uusap parin kaya sila. Simula kasi ng tumira ako dito sa canada napag disisyunan ko na wala muna akong kakausapin na mga ka close ko sa pilipinas dahil magiging mahirap yon para sakin lalo na si ice. Walang araw noon na hindi ako chinat ni ice sa facebook pero hindi ko binabasa ang mga chat niya hanggang after 3 months tumigil na siya kakakulit sakin. Maging sila hazel at reys chinat nila ako mga tatlong beses pero hindi ko rin pinansin hanggang sa yon hindi na talaga nila ako ginambala pa. Kaya wala na akong balita sa kung anong nangyayari sakanilang lahat sa pilipinas at alam kong ganon rin sila sakin.

Si tita lia naman ay pumunta dito isang beses kasama si mama para dalawin ako, kinailangan ko pa nga humingi ng favor non kay cairo para hindi nila makita ang mga anak ko, hindi pa kasi ako handa na malaman nila. Kaya kahit hanggang ngayon hindi pa nila alam. Nung dumalaw sila dito ok naman na kami nila mama at tita lia pero hindi na tulad ng dati naging cold na ang pakikisama nila sakin kahit si mama. Alam kong hindi pa nila ako lubos na napatawad kaya ganon.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ko dito sa canada, buti nalang nandiyan si cairo para tulungan ako. Kaya laking pasasalamat ko sakanya. Kung iniisip niyo na naging selfish ako kasi mas pinili ko 'tong disisyon na 'to kaysa sa ma kasama si ice, well, para sakin hindi pagiging selfish ang ginawa ko. Ginawa ko lang kung ano ang tama, bakit? Tingin niyo ba gusto ko rin na malayo kay ice? Tingin niyo ba naging madali rin para sakin yon? Sobrang sakit rin non para sakin, hindi rin naging madali sakin ang lahat, nahirapan rin ako. Pero mas pinili kong gawin ang tama, kaysa sa sundin ang kung anong gusto ko lang o ikasasaya namin. Madali lang kasi para sainyo na ijudge ako sa ginawa ko without knowing kung ano rin bang nararamdam ko. Na nahihirapan rin ako. Still, naiintindihan ko naman kayo kasi gusto niyo lang naman na maging mag kasama kami ni ice.












ONE NIGHT STAND WITH MY STEPBROTHER [COMPLETED]Where stories live. Discover now